

SCIENCE AND MEDICINE
Outpatient emergency services kasama na sa Philhealth benefits

1/16/25, 9:49 AM
Ni Samantha Faith Flores
Ang mga emergency procedures at iba pang serbisyong medical sa emergency room ay sakop na rin ng coverage ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth)
Ito ang inanunsyo ng Philhealth matapos na ipalabas ang “Outpatient Emergency Care Benefit (OECB) package” na sinimulan ng ahensya noong Enero 1.
Sa Philhealth Circular No. 2024-0033, lahat ng serbisyo at pangangailangan ng outpatient sa emergency (ED) department at accredited health care facilities ay sakop na ng PHilhealth.
Kasama dito ang serbisyong ipinagkaloob nang dumating ang pasyente sa ED.
Sakop ng pakete ang mga pasyenteng hindi na kinakailangan ma-admit o ang mga indibidwal na na-discharge na sa loob ng 24 na oras. Pati ang mga pasyenteng namatay habang nilalapatan ng emergency treatment ay sakop din.
Ang mga kasong nakapalaman sa OECB ay pagkahilo, diarrhea, pagsusuka, pagtaas ng presyon ng dugo, non-traumatic bleeding, seizures, matinding sakit sa ulo at sexual assault.
Sa mga procedures, makakasama sa Philhealth coverage ang essential emergecy care tulad ng ECG, ED services na nebulization at intubation, imaging tulad ng X-Ray at CT scan, laboratory tests at mga gamot.
Ang paggamit ng ambulansya ay napapaloob din sa OECB packages.
Kapansin-pansin umano ang mga ikinikilos ng Philhealthna tila pilit bumabawi sa sunod-sunod na inabot nitong batikos dahil sa hindi umano kanais-nais na paghawak ng mga opisyal nito ng pondo ng health insurance.
Dagdag ba sa pino-protesta ng maraming sektor ang hindi paglaan ng pondo sa inaprubahang 2025 national budget ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kasalukuyan naman nakabinbin sa Korte Suprema ang kaso isinampa ng mga nababahalang indibidwal na humahadlang sa pagkuha ng pamahalaang Marcos ng PHP89.9 bilyon na idle funds ng Philhealth.