top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Alak nagdudulot ng cancer, ayon sa mga doktor: Ano ang tamang tagay sa pag-inom?

1/11/25, 7:39 AM

Ni Samantha Faith Flores

Iniugnay ng US Surgeon General ang pag-inom ng alak sa maraming uri ng cancer kaya nangangamba ngayon ang mga negosyong may kaugnayan sa alcohol ng malaking pagbaba sa kanilang mga kita.

Sa isang report na ipinalabas nitong Miyerkules (Enero 8), iminungkahi ng US Surgeon General na dapat nang maglagay ng public warning labels sa bawat bote o sisidlan ng mga alcoholic drink ukol sa peligro ng alak sa kalusugan.

Ayon sa report ni Surgeon General Vivek Murthy, nagdudulot ng iba’t-ibang cancer ang pagtungga ng nakalalasing na inumin.

Maraming doktor, kasama na ang American Medical Association, ang natuwa at sumang-ayon sa report ni Murthy.

Ayon kay Bruce Scott, pangulo ng AMA, matagal nang nagbigay ng babala ang samahan ng mga manggagamot tungkol sa paginom ng alak.

“For years, the AMA has said that alcohol consumption at any level, not just heavy alcohol use or addictive alcohol use, is a modifiable risk factor for cancer,” ayon kay Scott.



Sa isang YouTube post, idiniin ni Dr. Andrea Garcia, AMA vice president of science medicine and public health, na marami nang pag-aaral ang naisagawa na nagpapatunay na delikado ang alcohol sa kalusugan ng tao.

“Alcohol consumption at any level, not just heavy alcohol use or addictive alcohol use , is a modifiable risk factor for cancer. Despite decades of compelling evidence of this connection, too many in the public remain unaware of alcohol’s risk,” paliwanag ni Garcia.

Inaasahan ipadadala sa US Congress ang panukala ni Murthy upang maging batas ang paglalagay ng health warning na nakikita sa mga kaha ng sigarilyo para naman sa mga bote ng alak.

Ayon sa report ng surgeon general, ang pag-inom ng alak ay maaaring magresulta sa ilang klase ng cancer, kasama dito ang colon, liver, breast, mouth and throat.

Ipinaliwanag ng mga dalubhasa na ang dahil sa sangkap na acetldehyde na galing sa alcohol, maaaring masira ang cells at patigilin ang mga ito na panumbalikin ang dating sigla at kalusugan ng mga ito.

Ang ganitong kondisyon ang pinanggagalingan ng maraming cancer.

Hati naman ang paniniwala ng mga dalubhasa sa medisina tungkol sa mga suhestiyon na gawing moderate o katamtaman na lamang ang pag-inom ng alak upang maiwasan ang nakasasamang epekto nito.

Ayon sa panukala ng iba, hindi rin makakatulong ang ganap na pag-iwas sa alcohol. Maaaring limitahan na lamang sa dalawang inumin sa bawat araw ang pag-konsumo mga lalaki. Para naman sa mga kababaihan, hindi na dapat lumagpas sa isang inumin ang dapat inumin sa isang araw.

Ang isang inumin ay katumbas ng isang 12-ounce can ng beer o five-ounce glass of wine o isang tagay ng alak,.

PAGASA weather specialist Joey Figuracion. (Larawan mula sa Facebook)

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page