top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Alamin mga ‘unhealthy’ cheeseburgers ng fastfood outlets; Jollibee sa US inisnab sa pagsusuri

10/5/24, 3:56 PM

Jolibee na ba ang naghahain ng fastfood na pinakaligtas sa kalusugan?

Oo at hindi.

Hindi nabanggit ang ‘made in the Philippines’ na fastfood chain na naghahain umano ng “unhealthy food” sa isang pag-aaral ng mga sikat na kainan sa Amerika.

Sa pag-aaral ng health website na PlushCare na inilabas kamakailan, nailista ang Carl’s Jr., Sonic, Wendy’s, Fatburger, DQ, A& W, Burger King at McDonald’s dahil sa paghahain ng “unhealthy cheeseburgers.”

Hindi nabanggit ng PlushCare ang Jollibee dahil top 24 hamburger/fastfood chains lamang ang kanilang sinuri at nilagyan ng grado.

Mayroon 76 Jollibee stores ang matatagpuan sa Amerika, lalo na sa mga estadong maraming rFilipino. May 32 branches sa California, 5 sa Hawaii, 7 sa New York at 6 sa Hawaii habang ang iba ay nakakalat sa Arizona, Florida, Illinois, Maryland, Michigan, Nevada, New Jersey, Pennsylvania, Virginia at Washington.

Ayon sa PlusCare ang Five Guys ang nagtitinda ng “unhealthiest cheeseburger” sa US. Tumanggap ito ng “unhealthiest score na 50.

Sumunod dito ang Whataburger (42) , Smashburger (42), Carl’s Jr. (37) , at Sonic (37) at Wendy’s (34).

Kasama rin sa fastfood chain na may outlets sa Pilipinas, ang no. 7- Fatburger (30); no.10- DQ (25) ; no. 12 -A & W (23).

Ayon sa PlusCare bagamat na-rangguhan, mababa pa rin ang “unhealthiest” values ng no. 14 -Burger King (18) at McDonalds (18).

Ipinaliwanag naman ng mga eksperto sa kalusugan na generally, nakakadagdag sa kalusugan ng tao ang pagkain ng hamburgers dahil mayaman ito sa protina, iron at vitamin B12.

Sinuri ng PlushCare ang mga cheeseburger at iba pang mga sikat na pagkain na inihahain sa 24 na food chain stores at nirangohan ayon sa “nutrient profiling method” ng US Department of Health.

Ikinumpara ang nutritional menu ng bawat restaurant upang malaman kung sino ang umano’y pinaka-unhealthy. Kaya tiningnan ng mga manunuri ang nilalaman na calories, sugar, saturated fat at sodium values ng bawat isa.

Bukod sa cheeseburger na sikat sa mga Amerikano, sinuri ng PlushCare ang chicken burger, vanilla shake, fried chicken, at chicken nuggets.

US ambassador to the Philippines MaryKay Carlson. (Photo courtesy of Rhodes News)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page