top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

DOH pinag-iingat pa rin ang publiko sa influenza-like illness

1/16/25, 4:35 AM

Bagaman pababa na ang mga naitatalang kaso ng influenza-like illness (ILI) cases o malatrangkasong sakit, pinag-iingat pa rin ng Department on Health (DOH) ang publiko.

Sa tala ng ahensya, umabot sa 5,000 ang na-monitor na kaso ng ILI sa unang linggo ng Enero.

Nasa 1,218 ILI cases naman ang naiulat sa bansa mula December 22, 2024 hanggang January 4.

Mas mababa ito sa 5,285 ILI kaso mula December 8-21 at 6,993 kaso mula November 24-December 7 noong nakaraang taon.

"Hindi tayo dapat maalarma. Pero huwag rin tayong makampante dahil hindi ibig-sabihin na bumababa yung trend, hindi na siya tataas," ani Assistant Health Secretary Albert Domingo.

Nakararanas ng lagnat, ubo, at sipon ang mga taong may ILI.

Tiniyak din ng DOH na pangkaraniwan itong nararanasan tuwing Amihan season kung kailan malamig ang panahon.

"Actually, mga bandang November, nagsisimula na yan. Every year po ganoon po yung nangyayari tapos habang umiinit na po yung panahon, pagpasok ng Marso at Abril, bumaba na po yung ating influenza-like illness," saad ni Domingo.

Nangungunang sanhi pa rin ng ILIs sa bansa ang Rhinovirus, Enterovirus, Influenza A, Respiratory Syncytial Virus, at Adenovirus.

Itinuturong sanhi rin ng ILI ang Human Metapneumovirus at COVID-19.

Maiiwasan naman daw ang hawaan nito sa pamamagitan ng proper health standards tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face masks, at pag-inom ng tubig.

"Tayo ay mag-hydrate lagi. Pag sinabi mag-hydrate, seven to eight glasses for adults. Bakit po? Dahil ang hangin nag-iiba ng temperatura lumalamig nagiging dry. Maaaring mairita ang ating lalamunan at ilong," paliwanag ng opisyal. #

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page