top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Health expert nagpaalala laban sa tumataas na bilang ng kaso ng dengue

2/17/25, 3:47 AM

Ni Tracy Cabrera

SANTA CRUZ, Maynila — Sa gitna nang tumataas na bilang ng mga kaso ng dengue, nagpaalala ang mga health expert na huwag mag-atubiling magpakonsulta sa Isang espesyalista o magpa-ospital kapag nakaramdam ng mga sintomas ng sakit upang maiwasang lumala ang kondisyon na maaaring humantong sa kamatayan.

Kasunod ito makaraang magtala ng 10 indibiduwal na namatay sanhi ng dengue sa lungsod ng Quezon.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, special diseases specialist sa San Lazaro Hospital,
"(ka)ag ang lagnat ng isang tao, especially mga bata, tumatagal ng three days, dalhin na (agad) sa ospital."
"Mas maigi na nandoon sa ospital, pila ka, makita ka ng doktor... Ang key diyan ay third day. 'Pag third day, may lagnat pa, dalhin na sa ospital," dagdag na payo ni Solante.

Ayon pa rito, may kakayahan ang mga ospital na magsagawa ng kumpletong blood count o CBC at batayan din ang hematocrit level at platelet count ng isang pasyente upang matiyak ang kanyang kondisyon o karamdaman.
"Kung pababa na ang platelet, pataas ang hematocrit, iyon iyong isa sa mga warning signs [ng dengue]. Hindi na talaga papauwiin iyan, ina-admit na iyan," kanyang tinukoy.

Nitong nakaraang Sabado, kinumpirma ng mga awtoridad na mayroong dengue outbreak sa Quezon City subalit hinayag ng Department of Health (DoH) na tumataas din ito sa ibang mga lugar.

"Hindi lang ito sa Quezon City. Kung titingnan mo ang trending sa mga iba't ibang probinsiya, mga highly urbanized area—sa Baguio, Palawan, Cebu City—December, January, mayroon talaga tayong nakikitaan na tumataas ang mga kaso," paglilinaw ni Dr. Solante.

Simula nitong bagong taon, nakapagtala na ang DoH mula Enero 1 hanggang 18 ng 10,842 kaso ng dengue sa buong bansa.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page