

SCIENCE AND MEDICINE
Mga dermatologists nababala sa panganib ng IV glutathione: Alamin kung bakit

1/28/25, 4:41 AM
By Ralph Cedric Rosario
Bukod sa hindi pa napapatunayang mabisang epekto sa pagpapaput ng balat, malaki ang posibilidad na magdulot ang injectable glutathione ng mapanganib na kumplikasyon sa kalusugan ng tao.
Ito ay napag-alaman nang magbabala ang Philippine Dermatological Society (PDS) na ang injectable glutathione ay hindi pa aprubado ng mga awtoridad upang magamit sa pagpapaputi.
Sinabi ni Dr. Jasmin Jamora, pangulo ng PDS, na wala pang sapat na katibayan sa siyensya tungkol sa bisa ng glutathione upang pumuti ang balat.
Ipinaliwanag ng dalubhasang dermatologist na maaaring nagsasayang lamang ng malaking salapi ang mga bumibili at gumagamit ng oral o intravenous glutathione.
“Until now, despite careful and thorough studies, we cannot fiind evidence on the efficacy of glutathione on skin whitening. There are also no clinical trials supporting the use of glutathioine,” paliwanag ni Jamora sa isang pulong balitaan sa Quezon City.
Ayon kay Jamora lumalabas sa kanilang pag-aaral na hindi “cost-effective” at hindi pang-matagalan ang epekto ng glutathione as balat.
“There is also more evidence and reports about its possible serious adverse effects,” diin ng doktora.
Nagpalabas ng babala ang PDS matapos na mag-viral ang TikTok video ng isang babae mula sa Batangas na hindi na maisara ang kanang kamay dahil sa infection na nakuha niya habang sumasailalim sa IV glutathione session.
Nilinaw ni Jamora na ang pag-ineksyon ng glutathione direkta sa ugat ay naglalantad lamang sa katawan sa mataas na dosage ng mga kemikal na maaaring mag-resulta sa seryosong side effects.
Higit pang tumataas ang peligro kung hindi mga doktor ang gumagawa ng IV glutathione treatments. Madalas nangyayari ito.
Paliwanag ng PDS president; “Receiving glutathione intravenously can result in a high dose and overload our kidneys. There ahve been reports of kidney failure, gastritis, headaches, dizzines, diarrhea, nausea and vomiting. Skin rashes also happen, swelling of the eyes, ruptured veins and even anaphylactic shock which can be fatal.