

SCIENCE AND MEDICINE
Out-of-pocket expenses ng pasyente babayaran na ng PhilHealth

3/11/25, 4:37 AM
Ni Tracy Cabrera
CITYSTATE CENTER, Lungsod Pasig — Magandang balita mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Sisimulan nang bayaran ng state health insurer ang out-of-pocket expenses ng mga pasyente, batay sa bagong kautusan ni PhilHealth president at chief-executive-officer Dr. Edwin Mercado.
Ayon dito, maiiwasan na ang dating pangkaraniwang situwasyon na kung saan ang isang may sakit na naospital na kailangang bayaran ang kanyang mga medical examinations na sa kanya sisingil sa kabilang ito'y dapat covered na ng PhilHealth.
Binanggit din ni Mercado na kung dati'y maliit lang ang natatanggap na benepisyo ng mga pasyente mula sa PhilHealth, ngayo'y inaayos na ito upang mas maging malaki ang tunay na kapaki-pakinabang ang natatanggap ng kanilang mga miyembro o benepisaryo.
Kadalasan kasi, aniya, tinatanggap na lang na kakarampot ang benepisyo mula sa PhilHealth subalit ngayon ay magbabago na ito dahil layunin nang mabawasan ang out-of-pocket expenses ng mga PhilHealth member sa susunod na 30 buwan at upang matupad ito, palalawigin ang support value coverage, kabilang na ang mga outpatient na medisina.
"Hopefully, there will always be a stock of medicines and laboratory reagents because this is also an out-of-pocket component. The public hospital will say that you will not pay, but if there is no medicine, the patient will also come out to buy the medicine out of their own pocket. So, if we pay the benefit claims of our public hospitals quickly, they will also have additional resources to continue that," pinunto ni Mercado.