top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Pamahalaan nagbabala sa danger level heat index sa Metro Manila at Central Luzon

3/3/25, 9:52 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Nagsimula nang magsuspinde ng klase ang mga local government units sa Metro Manila matapos na magbabala ang mga weather forescaster ng bansa ng pagkakaroon ng “danger level heat index”.

Nagsimula nitong Lunes (Marso 3) ang taas ng temperatura ng aabot sa 46 degrees Celsius na ayon sa PAGASA ay nasa danger level na.

Mataas din ang inaasahang heat index sa Martes (Marso 4), ayon sa PAGASA.

Bukod sa Metro Manila, mataas din ang heat indices sa Pampanga at Nueva Ecija.

Ang heat index ang sukat ng temperatura na nararamdaman ng isang tao. Ang heat index mula sa 42 hanggang 51 degrees Celsius ay kinokonsidera nang nasa “danger” level.

“Ang ganitong mga temperatura ay maaaring humantong sa heat cramps of pamumulikat at heat exhaution of pagkahapo na may mga sintomas tulad ng pagkapagod, pakahilo, sakit ng ulo at pagsusuka, “ ayon kay Department of Health Asst. Secretary Albert Domingo.

Ipinaliwanag ni Domingo na ang pagbabad sa init ay nagpapataas ng posibilidad ng heat stroke na maaring magdulot ng “seryosong kondisyon ng may pagkawala ng malay, pagkalito o kaya ay mga seizure, kumbulsyon na maaaring makamatay kung hindi ginagamot.

Dahil dito pinaalalahanan ng DOH ang publiko na mag-iingat sa mga sakit na dulot ng mataas na tempratura katulad ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.

Inabisuhan ang publiko na huwag magbababad sa ilalim ng init ng araw higit sa lahat sa mga oras ng alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Ayon sa DOH maaaring maging laganap ang mga ganitong sakit kaya dapat mag-ingat ang mga tao.

Photo from himalayababycare.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page