top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Posisyon ng kamay maaring magbigay ng maling blood pressure reading

10/19/24, 3:56 AM

Maaring hindi maging tumpak ang resulta ng pagkuha ng blood pressure kung hindi tama ang posisyon ng kamay ng nagpapakuha.

Ito ang iminungkahi ng masusing pag-aaral ng JAMA Internal Medicine tungkol sa tamang pagkuha ng presyon ng dugo gamit ang mga blood pressure monitor o sphygmomanometer.

Sa pagsusuri, kinunan ang ilang tao ng kani-kanilang BP habang inilalagay sa iba’t-ibang posisyon ang kanilang mga kamay.

Sa isang posisyon, isinasandal ang kamay na susukatan sa ibabaw ng isang bagay na solido. Sinubukan din ipatong ang kamay sa ibabaw ng hita o lap ng taong kinukunan.

Sa ikatlong pagsubok, hinayaang nakalaylay sa gilid ng katawan ang kamay ng taong magpapa-BP.

Ang pag-aaral ay nagkaroon ng konklusyon na malaki ang itinataas ng grado ng systolic pressure depende kung anong posisyon ng kamay ang ginawa.

Ang systolic ay ang numerong nasa itaas ng BP reading. Sinusukat nito ang presyon ng arteries ng isang tao sa sandaling nagpapadala ang puso ng dugo sa buong katawan.

Kapag nakalaylay umano ang kamay na kinukunan ng BP, mas mataas ng pitong punto ang rume-rehistro sa sistolic pressure kapag nakalaylay ang kamay na sinusukatan ng BP.

Nagulat si Dr. Tammy Brady, isa sa mga nagsagawa ng pag-aaral, sa naging resulta. Si Brady ay isang pediatrician at epidemiologist at medical director sa pediatric hypertension program ng Johns Hopkins Children’s Center.

Dahil sa naging resulta ng kanilang pag-aaral, nagbilin si Brady sa mga pasyente na dapat laging sisiguraduhin na tumpak ang kanilang BP reading kapag nagpapakuha nito.

Mahalaga kasing malaman ng health care provider ang tamang paraan ng paggagamot sa pasyente.

Ayon naman sa Mayo Clinic, importanteng gawing nakapatong sa mesa ang kamay at tapat sa puso ang cuff habang nagpapakuha ng BP.

Dapat din iwasan ang pagkilos o pagsalita habang sinisukatan ng BP, lalo na kung automatic mointor ang ginagamit.

Nagkakaisa ang mga dalubhasa sa Mayo Clinic at American Heart Association sa pagbilin ng mga dapat obserbahan habang nagpapakuha ng BP:

-Iwasan ang paginom ng kape, pag-ehersisyo at pagsigarilyo sa loob ng 30 minutos

- Dapat nakatapa sa mid-heart level ang bp cuff

- Ilapat sa patag na sahig ang mga paa habang nakasandal ang likod ng komportable sa back support ng upuan.

US ambassador to the Philippines MaryKay Carlson. (Photo courtesy of Rhodes News)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page