top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Publiko binalaan ng FDA sa paggamit ng beauty products ni vlogger Rosemar Tan

1/27/25, 10:55 AM

Binalaan ng Food and Drug Administration ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng mga beauty soaps na inendorso at ginawa sa brand ng popular na vlogger-entrepreneur na si Rosemarie “Rosemar” Tan-Pamulaklakin.

Ito ay matapos na madiskubre ng ahensya na tahasang binebenta at ipino-promote ni Rosemar ang produktong gawa umano ng kanyang kumpanya bagamat ito ay hindi pa rehistrado sa FDA.

Sa FDA Advisory Nos. 2025-0028 at 2025-0029, idineklara ng ahensya na ang Rosemar Skin Essentials’ “Premium Niacinamide Soap” at “Mysterious Madre de Cacao Soap” ay walang totoong “valid certificate of product notification (CPN) nang mag-verify ang mga tauhan ng FDA sa pamamagitan ng post-marketing surveillance.

Napag-alaman na bagamat mahaba na rin ang panahon na ibinebenta na ang mga nasabing produkto, nadiskubre na wala pa rin itong CPN hanggang Dec. 17, 2024.

Ipinahayag ng FDA na sa ilalim ng Republic ACt No. 9711 o ang FDA ACt of 2009, ang paggawa, exportasyon, importasyon, pagbenta, pag-alok na pagtinda, paglipat, promosyon o sponsorship ng kahit anong produktong pangkalusugan ng walang kaukulang awtorisasyon ng FDA ay ipinagbabawal.

“Since the unauthorized cosmetic product has not gone through the notification process of the FDA, the agency cannot assure their quality and safety. The use of such violative product may pose health risks to consumers,” ayon sa abiso ni FDA Director General Samuel Zacate.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sumabit sa kontrobersiya si Rosemar.

Matatandaan na kailan lamang ay binatikos ito ng mga doktor at publiko dahil sa kanyang pag-share ng kanyang karanasan sa loob ng emergency room ng isang ospital.

Sa kanyang post, ikinuwento niya na sadya siyang pumasok sa emergency room upang magpa-ultrasound lamang at malaman ang kasarian ng kanyang dinadalang sanggol.

“Sa sobrang excited kong magpa-ultrasound para makita si Baby Junior, nagpa-emergency room talaga ako kanina HAHAHA. Wala daw kasi ultrasound meron lang kapag ER,” sinabi no Rosemar sa Facebook page niya.

Hindi io ikinatuwa ng mga doktor na nagsabing ang ER ay para lamang sa mga apurahan at kritikal na medical conditions lamang. Nag-alala rin sila na dahil sa ginawa ni Rosemar ay inilagay niya sa peligro ang kalusugan nilang mag-ina.

Tinanggal na ni Rosemar ang FB post na ito.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page