SCIENCE AND MEDICINE
Tumaas sa 6.2 taon ang life expectancy sa mundo, alamin kung bakit
4/17/24, 3:24 AM
Dahil sa natugunan ng medisina at siyensya ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan na tulad ng diarrhea o pagtatae, lower respiratory infections at stroke, tumaas ng 6.2 taon ang haba ng buhay o life expectancy ng mga tao simula pa noong 1990.
Ito ay ayon sa pag-aaral ng Institute for Health Metrics and Evaluation na inilathala kamakailan lamang sa The Lancet, isang website na naglalabas ng mga mahahalagang pag-aaral at pananaliksik ng mga pangunahing siyentipiko at mga kumpanya.
Dahil sa pesteng dulot ng COVID-19 pandemic, nadiskaril ang tuloy-tuloy sanang pagtaas ng life expectancy sa napakaraming lugar sa mundo.
Ngunit dahil sa patuloy na pag-unlad ng siyensya, inaasahang magpapatuloy pa ang paghaba ng buhay ng mga tao.
Pangunahing dahilan ng dagdag na mga taon sa buhay ay ang malaking pagbaba ng mga pangunahing sakit na kumikitil ng buhay. Kasama dito ang diarrhea, lower respiratory infections, stroke at ischemic heart disease.
Ayon sa mga mananaliksik ang mga lugar sa Southeast Asia, kung saan nakalugar ang PIlipinas, ay mga nakinabang sa pagtaas ng pag-asa ng buhay.
Matatandaang inanunsyo ng United Nations noong Pebrero na tumaas ang life expectancy ng mga Pilipino noong 2022.
Mula sa 71.412 noong 2021, umaabot na sa 71.79 anyos ang maaaring itatagal ng buhay ng isang taga-Pilipinas sa mundo.
Kasama rin ang taga East Asia at taga-Oceania sa mga taong nagsihabaan ang buhay.
“Our study presents a nuanced picture of the world’s health,” sinabi ng Dr. Liane Ong, isa sa mga nagsagawa ng pagaaral at Lead Research Scientist sa IHME.
“On one hand, we see countries’ monumental achievements in preventing deaths from diarrhea and stroke,” ayon kay Ong.
Napag-alaman din na ang pag-unlad ng medisina sa pagligtas sa kamatayan ng tao na sanhi ng neonatal disorders at cancer ay kasama rin sa mga dahilan ng paghaba ng buhay ng tao.
Ang mga taga-Japan at Hong Kong ang nagtataglay ng life expectancies na pinakamahaba sa buong mundo. Ang mga Hapon at Hong Kong nationals ay maaring mabuhay ng hanggang 85 taon, ayon sa UN.
Sa pag-aaral ng UN, napag-alam din na ang mga taga-Central Africa Republic ay maaring tumagal lamang ng 54 anyos.
Ayon sa UN ang ‘life expectancy” ay ang karaniwang bilang ng taon na maaaring mabuhay ang isang bagong silang na tao sa kanyang kinalakhang lugar.