

BALITANG SENIOR
“Dennis the Menace” ng telebisyon, pumanaw na sa edad na 73

4/7/25, 10:12 AM
Si Jay North, ang kinagiliwang si “Dennis the Menace” noong pauso pa lamang ang telebisyon sa mundo, ay pumanaw nitong Linggo (Abril 6) matapos ang matagal na pakikipaglaban sa cancer.
Kinumpirma ng kaibigan niyang si Laurie Jacobson sa isang social media post ang pagkamatay ni North sa edad na 73.
“Our dear friend JAY NORTH has been fighting cancer for a number o fyears and this morning at noon EST, Jay passed peacefully at home,” ayon kay Jacobson.
“As many of his fans know, he had a difficult journey in Hollywood but he did not let it define his life. He had a heart as big as a mountain and loved his friends deeply,” isinulat ni Jacobson.
Dagdag ng matagal na kaibigan: “And we loved him with all our hearts.. he is out of pain now. His suffering is over. At last he is at peace.”
Ang “Dennis the Menace” ay hango sa comic strip ni Hank Ketcham na maraming dekadang lumabas sa mga pahina ng mga pahayagan.
Sa TV series, si Jay ang lumabas ng cute ngunit makulit na si Dennis. Si Mitchel ang naging perwisyo sa buhay ng kanyang kapitbahay na si Mr. George Wilson na pinapelan ng aktor na si Joseph Kearns.
Tumakbo mula 1959 hanggang 1963 ang “Dennis the Menace” sa telebisyon at nagkaroon ng 146 na episode.
Bukod sa pagiging si Dennis, lumabas din sa marami pang mga TV shows si North habang patuloy naman lumalaganap ang mga pamilyang nagkakaroon ng sariling telebisyon sa mundo.
Ang ilan dito ay ang “The Man from U.N.C.L.E.:, “The Lucy Show,” “My Three Sons”, at “Jericho”.
Tubong Hollywood, California si North na ipinanganank noong Aug. 3, 1951. Siya ay anim na taon noong kunin sa starring role ng “Dennis the Menace.”