top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

10 bagay na dapat malaman sa paghahalaman

Photo from eachgreencorner.org

4/2/24, 5:19 AM

Sa init ng panahon, naiisip mo rin bang magtanim ng mas maraming halaman sa iyong bakuran?

Hindi lang sariwang hangin ang benepisyo ng paghahalaman. May mabuting epekto rin ito sa emosyonal na kalusugan ng tao.

Kung ikaw ay nagsisimula pa lamang o interesado sa pagtatanim ng halaman, narito ang sampung mahahalagang bagay na dapat mong malaman.

1. Piliin ang tamang lugar

Bago magsimula ng iyong hardin, suriin ang iyong lugar at alamin ang mga kondisyon ng lupa, tulad ng eksposisyon sa araw, kalidad ng lupa, at klima. Kung hindi sapat ang lupa sa iyong likod-bahay, maaaring gawing alternatibo ang lupa sa paso.

2. Piliin ang angkop na mga halaman

Alamin ang uri ng mga halaman na angkop sa iyong lugar at kalagayan ng panahon. Kailangan ikonsidera ang pagtubo o paglaki ng halaman sa tamang puwang upang hindi ito maging sagabal sa iba pang mga halaman o istraktura.

3. Alagaan ang lupa

Siguraduhing ang iyong lupa ay may sapat na sustansya sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pataba o organic matter tulad ng kompost.

4. Diligan ang halaman

Mahalaga ang regular na pagdidilig upang mapanatili ang tamang moisture level sa lupa, lalo na sa mga panahon ng tag-init.

5. Lagyan ng pesticide

Alamin ang natural na mga paraan upang pamahalaan ang mga peste sa iyong halaman, tulad ng paggamit ng natural na predator o organic na pesticides.

6. Gumamit ng kompost

Ang kompost ay nagbibigay ng mga mahahalagang nutrients sa iyong mga halaman. Ito ay maaaring gawin sa bahay gamit ang mga organikong bagay tulad ng mga tirang ulam, balat ng prutas o dumi ng hayop.

7. Ipahinga ang lupa

Bigyan ang iyong lupa ng panahon upang magpahinga pagkatapos ng ilang mga pagtatanim upang maibalik ang mga nutrients at mapanatili ang kalusugan ng lupa.

8. Iwasang masira ito ng gumagalang hayop

Makabubuting ilagay ang mga halaman sa mga lugar na hindi madaling maaabot ng mga gumagalang hayop. Pwedeng lagyan ito ng bantay o bakod upang hindi makain o masira ng mga hayop.

9. Patuloy na mag-aral ukol sa paghahalaman

Patuloy na mag-aral at magbasa tungkol sa paghahalaman upang palawakin ang iyong kaalaman at malinang pa ang iyong kakayahan.

10. Mahalin ang proseso

Higit sa lahat, ang paghahalaman ay tungkol sa pagmamahal sa proseso. Maglaan ng oras upang masiyahan sa bawat hakbang ng pagtatanim, pag-aalaga, at pag-aani ng iyong mga halaman.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page