top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Beteranang aktres Delia Razon pumanaw sa edad na 94

3/17/25, 1:51 PM

Pumanaw na ang beteranang aktres na si Delia Razon noong Sabado sa edad na 94.

Ibinahagi ng kanyang apo na si Carla Abellana ang malungkot na balita sa social media. Hindi na sinabi ni Carla ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang lola.

Wala pang karagdagang detalye tungkol sa kanyang burol at libing.

Ipinanganak noong Agosto 8, 1930 si Razon sa Iloilo bilang Lucy May G. Reyes.

Una siyang lumabas sa pelikula noong 1948 sa "Awit ng Bulag" sa edad na 18.

Tumagal ang kanyang karera sa loob ng halos anim na dekada.

Napanood siya ng madla sa iba't ibang classical films at lalong bumantog nang makatambal si Rogelio dela Rosa, na naging isa sa pinakasikat noong kanyang panahon.

Ilan sa kanyang mga pelikula ay ang Gitano (1949), Mutya ng Pasig (1950), Florante at Laura (1950), at Prinsipe Amante (1950).

Noong 2009, lumabas siya sa teleseryeng Tayong Dalawa.

Ikinasal si Razon kay Aurelio Reyes, at ang kanilang anak na si Rea Reyes ay kalaunan ikinasal sa ‘80s movie heartthrob na si Rey "PJ" Abellana, na ama ni Carla. #

Comments

Deine Meinung teilenJetzt den ersten Kommentar verfassen.
bottom of page