top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Beteranong aktor Gene Hackman, 95, asawa at aso natagpuang patay

2/27/25, 11:10 AM

Natapuang patay sa kanilang tahanan ang beteranong aktor na si Gene Hackman at kanyang asawang Betsy Arakawa, ayon sa Santa Fe County Sheriff’s Office.

Kasama rin nadiskubreng patay ang aso ng mag-asawa sa kanilang bahay sa Santa Fe.

Miyerkules (Pebrero 26) nang matagpuan ang mga bangkay ni Hackman, 95 at ni Arakawa, 63 na isang classifcal pianist.

Bagamat hindi pa nalalaman kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng tatlo, sinabi ni Santa Fe County Sheriff Adan Mendoza na kumbinsido silang walang foul play sa nangyari.

“Foul play is not suspected as a factor in those deaths at this time however, exact cause of death has not been determined. This is an active and ongoing investigation by the Santa Fe County Sheriff’s Office,” ayon sa pahayag ng naturang tanggapan.

Ayon sa mga deputado pinuntahan nila ang tahanan ng mag-asawa matapos na humingi ng “welfare check” ang isang kapitbahay na nag-alala sapagkat matagal na rin hindi napapansin ang mga biktima.

Matagal na rin hindi aktibo sa pelikula si Hackman na isang multi-awarded American actor.

Si Hackman ang isa sa mga bidang lalaki na nagpasimuno ng “New Hollywood cinema noong 1970’s ngunit naging prominent lamang ang kanyang pangalan pagpasok ng dekada ’80s at ‘90s.

Una niyang nasungkit ang Oscar bilang si detective Jimmy “Popeye” Doyle sa French Connection”. Nakakuha siyang muli ng Oscar bilang best supporting actor sa “Unforgiven” sa ilalim ng direksyon ni Clint Eastwood.

Bukod sa dalawang Academy Awards, nakakuha rin ng apat na Golden Glboes, isang Screen Actors Guild Award at dalawang British Academy Film Awards ang yumaong aktor.

Ipinanganak noon Enero 30, 1930, si Hackman ay orihinal na taga-San Bernardino, California.

Dating kasapi sa US Marines, si Hackman ay lumabas sa higit sa 80 pelikula simula nang pasukin niya ang pag-aartista noong 1960’s

Ang iba sa kanyang mga pelikula ay ang mga sumusunod: “I Never Sang for my Father”; “Mississippi Burning”; “Bonnie and Clyde”; “Marooned”; “Downhill Racer.”

Gumanap siyang si Lex Luthor na kontrabida sa “Superman” at isang basketball coach sa 1986 sports film na “Hoosiers.”

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page