top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Buhay ang sinakripisyo ng boluntaryong bumbero

Si Ang Bumbero ng Pilipinas party-list first nominee Dr. 'Ka Pep' Goitia. (Larawan mula sa ABP)

3/27/25, 11:37 AM

Ni Tracy Cabrera

MALATE, Manila — Isang nagdadalamhating pamilya sa Tondo sa Maynila ang nakatagpo ng pag-asa matapos ang trahedyang sinapit ng isang hepe ng mga fire volunteer na nasawi sa sunog, ilang oras lamang matapos niyang sagipin ang isang asong na-trap sa nasusunog na bahay.

Sa burol na ginanap noong Martes ng gabi para kay Rodolfo Baniqued, isang 52-anyos na boluntaryong hepe ng bumbero, personal na nagbigay-pugay si Dr. Jose Antonio 'Ka Pep' Goitia, unang nominado ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list upang mangako ring magbibigay siya ng buong suporta sa lahat ng mga unang rumeresponde, tagapagligtas ng sunog at mga boluntaryo sakaling makakuha siya at ng kanyang kasamahan nominado ng puwesto sa Mababang Kapulungan.

Dumiretso mula sa isang fashion event, na kung saan nakasama si First Lady Liza Araneta-Marcos (FLLAM), na sumusuporta sa mga atletang Pilipino, tiniyak ni Goitia sa pamilya ni Baniqued na hindi masasayang ang kanyang sakripisyo, bagkus ang kanyang kabayanihan ay magsisilbing inspirasyon sa kanilang grupo upang itulak ang mga kinakailangang reporma sa sektor ng serbisyong pamatay-sunog.

Binigyang-diin ng presidente ng ABP ang pangakong ipaglalaban ang mabigyan ang mga first responder ng mas mataas na hazard pay, libreng serbisyong medikal, mas maayos na kondisyon sa trabaho at mas malawak na insurance coverage para sa mga bumbero, rescuer at volunteer—lalo na sa mga nasusugatan o nasasawi sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

"Mas determinado kaming ipaglaban ang mga karapatan ng ating mga boluntaryong bumbero at tagapagligtas. Masakit isipin na ang kanilang mga sakripisyo, pati na ang kanilang buhay, ay maaaring balewalain," aniya.

Sa kanyang pakikipag-usap kay Rolando Baniqued, ama ng yumaong hepe ng bumbero, napagalaman ni Goitia na mahigit 20 taon nang naglilingkod bilang boluntaryong Bumbero ang kanyang anak. Maging siya at ang kanyang mga anak at apo ay bahagi rin ng komunidad ng bumbero kaya handa silang isugal ang kanilang buhay upang sagipin ang iba, kahit pa wala silang natatanggap na benepisyo mula sa gobyerno.

"Nag-aambag kami ng sariling pera para sa gasolina at nanghihingi ng donasyon para lang makaresponde sa mga sunog," ani Mang Rolando kay Goitia.

Isa sa pinakamalaking hiling ng mga boluntaryong bumbero ay ang pagkakaroon ng breathing apparatus na makakatulong sa kanilang ligtas na pagpasok sa nasusunog na gusali kahit na makapal na ang usok.
Ayon sa first nominee ng ABP, nakabuo na sila ng mga konkretong plano upang maisakatuparan ang kanilang adbokasiya na ‘Para sa Mas Ligtas na Pinas’.

Bilang nag-iisang partylist na kumakatawan sa mga boluntaryong bumbero at tagapagligtas, prayoridad din nila ang pagpasa ng Firefighters’ Welfare Act, na naglalayong itaas ang sahod, hazard pay at mga benepisyong pangkalusugan ng lahat ng mga boluntaryong first responder. "Bukod d'yan, kasama rin sa aming isinusulong ang Fire Equipment Modernization Bill, na magbibigay ng pondo para sa mga makabagong kagamitan sa pagsugpo ng sunog. Kailangan ding isulong ang Community-Based Fire Prevention Program upang sanayin ang mga komunidad at mapahusay ang paghahanda laban sa mga sakuna.

Sa huli, pinunto ni Goitia na habang patuloy na umaasa ang bayan sa katapangan at malasakit ng mga bumbero, lalong lumalakas ang panawagan para sa mas mahusay na suporta at pagkilala sa kanilang serbisyo.

"Ang sakripisyo ni Rodolfo Baniqued ay hindi lamang nagpakita ng panganib na kinakaharap ng mga boluntaryong bumbero, kundi nagsilbi ring mitsa ng isang mas matibay na kilusan para sa pagbabago—isang laban na ipinangakong ipagpapatuloy ng ABP sa bawat hakbang," pagtatapos nito.

Comments

Deine Meinung teilenJetzt den ersten Kommentar verfassen.
bottom of page