top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

COA tinuligsa ang pag-antala ng PHP6-B social pension ng indigent senior citizens

Photo from www2.naga.gov.ph

2/19/25, 10:29 AM

Ni Samantha Faith Flores

Sinita ng Commission on Audit ang pamahalaan matapos na madiskubreng maraming mga hikahos ng nakatatanda sa Luzon at Mindanao ang hindi nakatatanggap ng kani-kanilang buwanang social pension.

Ayon sa mga auditor nilabag ng Department of Social Welfare Development ang sarili nitong memorandum circular dahil sa mahabang panahong paghihintay ng mga indigent senior citizens ng PHP500 pension noong 2023.

Sa paginspeksyon ng mga financial records ng DSWD, nakita ng state audit body na naging atrasado ng maraming buwan ang pamumudmod ng social pension na itinalaga sa batas at ipinapatupad sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens program.

May PHP6.16 bilyon na halaga ng pensyon ang hindi nai-release sa oras kung kaya libo-libong mahihirap ng senior citizens nag hindi nakatanggap ng tulong pinansyal na nakasaad sa Social Pension for Indigent Seniors Act.

Ayon sa COA ang pinakamalalang backlog sa pagbabayad ng monthly social pension ay nangyari sa Zamboanga Peninsula.

Sa annual audit report ng DSWD, naiulat na umabot sa PHP5.53 bilyon halaga ng stipend ang hindi naibigay sa tamang oras. Nahuli ng anim na buwan ang pamimigay ng pensyon.

Sa Davao region naman, atrasado rin ng ilang buwan ang pamimigay ng pension sa 10 lugar na nakapailalim sa DSWD-Davao Region. Noong Hunyo, 2023 lamang natanggap ng mga nakatatanda ang kanilang allowance sa unang bahagi ng taon.

Ngunit higit na matinding paghihirap ang naramdaman ng mga seniors sa 16 na munisipalidad sapagkat naghintay sila hanggang Nobyembre bago matanggap ang kanilang pensyon.

PHP375.07 milyon ang kabuuang halaga ng pension para sa mga nasabing lugar.

Sa Bicol at Mimaropa, matagal din umanong naghintay ang mga seniors bago nakatanggap ng kanilang pinansyal na tulong mula sa pamahalaan.

Problema sa liquidation ang isa sa mga sanhi ng matagal na pamamahagi ng social pension, ayon sa DSWD.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page