top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Dementia risk ng nakatatanda mas mataas sa mga may-asawa kumpara sa single

4/5/25, 8:29 AM

Ang panganib na magka-dementia o sakit na pagkalimot ay higit umanong mababa sa mga nakatatandang diborsiyado o hindi nag-aasawa kumpara sa mga may asawa.

Ito ay sang-ayon sa 18 taon pananaliksik ng mga ekperto mula sa Florida State University College of Medicine at University of Montpeller, ayon sa artikulo mula sa Medical Press.

Kabaligtaran ang matagal nang paniniwala ang naging resulta ng research na isinagawa ng mga mananaliksik sa nasabing mga unibersidad.

Kadalasan ay iniuugnay ang pag-aasawa sa higit na malusog at mahabang buhay ngunit walang kasiguraduhan ang mga ebidensya na tumuturo sa estado bilang panganib sa dementia.

Upang higit pang maunawaan ang kaugnayan ng dementia sa social status ng isang tao, nagsagawa ng pag-aaral ang mga ekperto.

Sa nasabing pag-aaral na isinapubliko ng Alzheimer’s & Dementia, 18 taon na sinayasat kung totoo ngang ang marital status ay may kaugnayan sa dementia para sa mga nakatatandang tao.

May 24,000 katao na walang dementia o nasa baseline pa lamang ng sakit ang lumahok sa pag-aaral na isinagawa sa 42 Alzheimer’s Disease Research Center na nakakalat sa Estados Unidos. Nagkaroon ang mga lumahok ng taunang clinical evaluation upang magraduhan ang cognitive function at malaman kung may dementia sila.

Sa pananaliksik, napag-alaman na kumpara sa mga may-asawa, ang mga diborsiyado at hindi pa nag-aasawa ay hindi gaanong nanganganib na magkaroon ng dementia.

Ngunit sa mga may-asawa naman, 21.9 porsiyento ang nagkaroon ng dementia sa loob ng 18 taon na panahon ng pananaliksik.

Nasa 21.9 porsiyento rin ng mga kalahok na balo ang nagkaroon din o nagsisimula ng magkaroon ng dementia.

Kumpara sa diborisyado at mga single na nakatatanda, lubhang mababa ang porsiyento ng dementia sa mga ito. Ahon sa pag-aaaral 12.8 porsiyento ang apektado sa mga diborsiyado at 12.4 porsiyento naman sa mga hindi nag-aasawa.

Base dito at sa mga iba pang datos na nakalap, sinabi ng mga mananaliksik na ang walang asawang tao , diborsiyado man o nananatiling single, ay may mababang panganib na magkaroon ng dementia kumpara sa mga may-asawa na.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page