top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Lola, 81 at anak patay matapos pagbabarilin ng gunman na nagtago sa kadiliman

2/18/25, 7:41 AM

ESCALANTE CITY, Negros Occidental - Isang 81-anyos na lola at ang kanyang anak ang pinagbabaril at napatay ng isang gunaman na nagtatago sa kadiliman sa tubuhan sa Barangay Dian-ay, Escalante City.

Sa report ng Escalante City Police Station nitong Martes (Peb 18), kinilala ang mga biktima sa unang pangalan nila na sina Estelita at ang kanyang anak na si Virgilio, 58 anyos.

Ayon sa mga imbestigador nangyari ang krimen gabi ng Sabado (Peb. 15) sa may mga tubuhan sa Sitio Lower Lauyan, Barangay Dian-ay.

Papauwi na ang mag-ina mula sa isang kasiyahan nang sila ay biglang paputukan sa may plantasyon ng tubo. Nagtago sa likod ng kadiliman ang gunman.

Si Estelita ay nagtamo ng mga tama ng bala sa tiyan habang si Virgilio naman ay tinamaan sa katawan. Naitakbo pa ang mga biktima sa ospital ngunit na-deklarang dead on arrival.

Limang basyo ng bala mula sa hindi pa natutukoy na kalibre ng pistola ang natagpuan. Ang mga ito ay ipinadala sa police crime laboratory para sa ballistic examination.

Patuloy na nangangalap ng testigo ang pulisya sapagkat wala pang nag-boboluntaryo magsabi ng nangyaring krimen sa mga nakasama ng mag-inang biktma noong gabi ng pinatay sila.

Hindi pa rin matukoy sa ngayon ang motibo ng pananambang.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page