

BALITANG SENIOR
Lola pinatay ng apong nairita sa bangayan ng biktima at ina

2/27/25, 7:29 AM
Ni Samantha Faith Flores
Patay ang isang 66-anyos na lola nang saksakin siya ng kanyang sariling apo dahil lang sa na-irita sa pag-aaway ng biktima at ng kanyang ina.
Nangyari ang pagpaslang sa SP Village, Baragnay Pahanocoy, Bacolod City, Negros Occidental nitong Martes (Pebrero 22), ayon sa ulat ng pulisya.
Napag-alaman na may problema umano sa pag-iisip ang suspek na gumamit ng kutsilyo at walang awang pinagsasaksak ang kanyang lola.
Hindi pa pinapangalan ng pulisya ang biktima at ang suspek.
Ayon sa mga imbestigador nag-aaway ang biktima at ang kanyang anak na ina ng suspek nang galit na galit na piinatitigil nito ang lola sa pagsisigaw.
Patuloy namang nagsagutan ang mag-ina ngunit patuloy din na minasama ng suspek ang natutunghayan eksena.
Dahil sa pagka-irita, tumakbo umano ang suspek sa kusina, kumuha ng kitchen knife wa inundayan ng maraming saksak ang sariling lola.
Nagawa pa rin tumakas ng suspek ngunit hindi nagtagal ay nasakote siya ng mga barangay tanod sa kanilang lugar.l