top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Lolo, 73, patay sa saksak dahil sa away na nagmula sa kantiyawan

Photo from telanganatoday.com

1/25/25, 6:20 AM

Ni Samantha Faith Flores

Dahil sa pikunan, isang 73-anyos na lolo ang pinatulan ng kanyang kaasaran na walang awang sinaksak hanggang mamatay ang senior citizen sa Moises Padilla, Negros Occidental, ayon sa ulat ng pulisya nitong Sabado (Enero 25).

Ang biktima ay kinilala ni Police Lt. Arnolfo Robles, deputy chief ng Moises Padilla Municipal Police Station, bilang si Antonio Gavaran, magsasaka.

Hindi naman sinabi ang pangalan ng salarin na isang 49-anyos na construction worker.

Ayon sa mga nakasaksi ng krimen, nagkakantiyawan lamang ang suspek at biktima nang narinig na lamang na nauwi sa sigawan ang biruan ng dalawa.

Kinantiyawan umano ni Gavaran ang suspek na gumanti ng pang-iinis. Dahil tila nainsulto ang sbiktima, agad nitong sinuntok ang kabiruan.

Hindi nagustuhan ng suspek ang pananakit ng matanda kung kaya’t dali-dali itong pumunta sa kusina at maya-maya ay nakitang may hawak na na kutsilyo.

Agad sinugod ng armadong lalaki ang lolo at inundayan ng ilang saksak sa tiyan at iba’t -iba pang bahagi ng kanyang katawan.

Naitakbo pa sa ospital si Gavaran ngunit na deklarang dead on arrival.

Sumuko na man agad sa pulisya ang suspek, kasabay ng pagbigay niya sa mga imbestigador ng ginamit niyang kutsilyo.

Comments

Partagez vos idéesSoyez le premier à rédiger un commentaire.
bottom of page