top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Makati City patuloy sa pangangalaga ng mga senior citizen, PWD

11/14/24, 9:42 AM

Ni Tracy Cabrera

POBLACION, Lungsod ng Makati — Mahigit 50,000 mga senior citizen ang patuloy na nagbebenepsiyo sa Blu Card program ng pamahalaang lungsod ng Makati sa pamumuno ni Mayor Mar-Len Abigail ‘Abby’ Binay-Campos, na nagbibigay ng mga pribilheyo samga nakatatanda at person-with-disability (PWD) upang mapaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa gitna ng mga pangangailangan sa kalusugan at kabuhayan sa pang-araw-araw.

Nitong buwan ng Setyembre pa lang, mahigit 38,000 mga Blu Card holder ang direktang nakatanggap na ng kani-kanilang mid-year cash incentive na umabot sa ₱71.8 milyon sa pamamagitan ng kanilang mga GCash account.

Sa ilalim ng nasabing programa binibigyan ang mga benepisasryo ng mga cash incentive ng dalawang neses sa kada taon, kabilang ang mga senior citizen edad 60 hanggang 69 na taong gulang na tumatanggap ng ₱1,500 at ₱2,000 naman para sa may edad 70 hanggang 79 at ₱2,500 para sa 80 hanggang 89.

Para naman sa mga senior na 90-anyos na at pataas, pinagkakalooban sila ng ₱5,000 insentibo habang ang mga sentenaryong Blu Card holder sa loob ng limang taon o mahigit ay tumatanggap ng ₱5,000.

Nagpapatuloy din ang lungsod sa pagbibigay ng ibang mga benepisyo tulad ng libreng panonood sa mga sinehan na umaabot sa tatlong pelikula araw-araw.

Bukod dito, 22,100 mga birthday cake ang naipamahagi sa mga senior na nagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong taon habang 3,256 iba ang binigyan ng libreng serbisyo sa mga salon.

Nilunsad din ng pamahalaang lungsod ang ‘Lakbay Saya’ program, na may layuning panitilihin ang kalusugan ng mga Blu Card holder sa pamamagitan ng libreng paglakbay sa mga popular na destinasyon sa iba’t ibang panig ng bansa,

Nakapamahagi din ang lungsod ng 64 na mga wheelchair, 56 na specialized reclining wheelchairs at iba pang mga assistive device para suportahan ang mga nakatatandang residente ng Makati.

Mayroon ding pinapatupad na inisyatibong pangkalusugan sa ilalim naman ng Yellow Card program na nagbibigay ng libreng medical consultation, medisina at bakuna at gayun din ang unlimited dialysis at hospice care para sa mga senior na may mga chronic illness.

Si Makati City mayor Abby Binay kasama ang ilang mga senior citizen. (Larawan mula sa Facebook)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page