top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

NCSC mass online registration dinumog ng QC seniors; pinuri grupong Sandigan si Liquigan

2/22/25, 1:07 PM

Ni Samantha Faith Flores

Dinumog ng mga senior citizens sa Quezon City ang mass online registration para sa National Commission of Senior Citizens na isinagawa sa magkasunod na araw simula Biyernes (Peb. 21).

Lubos na ikinatuwa ng pamunuan ng NCSC ang proyekto ng Marilag Senior Citizens Association (MSCA) sa pangunguna ng beteranong journalist na si Rosario na dating chief of reporters ng Manila Bulletin.

Pinasalamatan nina Commissioners Mary Jean Loreche at Rainier Cruz ang suportang ipinakita ng MSCA para sa pag-rehistro ng mga nakatatandang Pilipino sa NCSC.

Pinuri rin ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines-QC ang kontribusyon ng MSCA upang magtagumpay ang pagkalap ng impormasyon ng mga senior citizens ang NCSC.

“Mahalaga sa pamahalaan ang mga datos tungkol sa mga seniors citizens. Sa pamamagitan nito, magagabayan ang NCSC kung ano ang mga tamang programa na itutulak ng ahensya upang matulungan ang sektor na ito,” ayon kay dating Konsehal Jorge Banal, pangulo ng FSCAP-Philippines.

Ang proyekto ay itinulak ni Rosario matapos ang masusing pag-aaral kung paano isasagawa ito.

“Financial issue ang naging problema ng MSCA ngunit sa tulong ng mga kaibigan, natuloy din ang two-day registration,” paliwanag ng MSCA president.

Pinuri niya si Atty. Tope Liquigan sa pagpapadala ng mga encoders na naging gabay ng mga nagparehistrong nakatatanda.

Kulang-kulang sa 300 senior citizens ang nakapagrehistro online.

“Matagal nang sandigan si Liquigan ng mga asosasyon ng mga senior citizens. Lagi siyang handang tumulong kung kapakanan ng mga senior citizens ang pinag-uusapan,” paliwanag ni Rosario.

“Pinapapurihan ko rin ang mga tumulong na ibang grupo katulad ng Senior Times.Ph, si dating Kalihim Joseph Villafuerte ng Marilag na nag-assist para sa online registration. Ang mga samahan sa barangay na katulad ng Weekenderz Fitness Club at Marilag Badminton Association at marami pang may mabubuting puso ay nag-ambag din ng tulong,” sabi ni Rosario.

Ang MSCA ay may 950 kasaping senior citizens at may tanggapan sa Plaza Camerino, Project 4, Quezon City.

Comments

Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page