top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Octogenarian arestado sa rape-murder case na nalutas sa pamamagitan ng genetic geneology

3/19/25, 7:03 AM

Arestado ang 82-anyos na lalaki na natunton sa pamamagitan ng genetic geneology o DNA testing na nagugnay sa kanya sa paggahasa at pagpatay sa isang 31-anyos na babae may 46 taon nang nakakaraan.

Inanunsyo ng Maryland police ang pagdakip kay Rodger Zodas Brown sa kanyang tahanan sa Pinehurst, North Carolina. Tahimik at walang reaksyon na sumama ang octogenarian sa mga pulis matapos na ipaalam nila na siya ang suspect sa brutal na pagpaslang kay Kathryn Donahue noong Marso 3, 1979 sa isang parking lot sa Glenarden, Maryland.

Ayon sa Prince George’s County Police Department ang biktima ay walang awang binugbok hanggang mamatay matapos na abusuhin.

Sa ilang dekada na naging cold case ang imbestigasyon ng insidente, walang naging kasagutan ang pulisya sa pagpatay kay Kathryn na isang sekretarya noong nabubuhay pa.

Umasa na lamang ang mba imbestigador na darating ang panahon na ang DNA na nakuha sa katawan ng biktima ay magiging tulay sa pagbigay ng hustisya sa biktima.

Ang break ay dumating noong 2024 nang makakuha ng DNA sample sa isang kamag-anak ni Brown sa pamamagitan ng genetic genealogy na isang paraan ng imbestigasyon na nag-uugnay ng DNA ng mga kamag-anakan ng salarin upang matukoy ito.

Nagkusa ang mga kamag-anakan ni Brown na magbigay ng DNA sample at dahil dito natunton ang suspek.

Lumalabas na nakatira si Brown sa Prince George’s County noong panahon na mangyari ang kriiment.

Sinampahan agad ito ng kasong first degree murder, rape at iba pang mga kasong kriminal. Ipadadala siya sa Maryland kung saan siya lilitisin.

“This case serves as a reminder that we will never give up seeking the truth no matter how much time has passed,” sinabi ni Prince George’s County poolice chief Malik Aziz.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page