BALITANG SENIOR
Octogenarian nasawi matapos na iligtas ang asawa sa nasusunog na bahay
12/27/24, 2:00 AM
BAGUIO CITY - Isang 84 anyos na lalaki ang namatay nang matupok ng apoy ang kanyang bahay sa Sitio Bay-o, Barangay Tuding sa Itogon, Benguet bago mag-madaling araw nitong Huwebes (Disyembre 26).
Ayon sa Bureau of Fire Protection sa Itogon ang biktimang si Felino Balalong Sr.
Si Balalong ay nagluluto gamit ang isang electric stove nang magkaroon ng short circuit ng koryente sa isang bahagi ng bahay na sanhi ng overloading.
Dahil dito nag-apoy sa lugar ng short circuit at ito ay agad kumalat sa bahay ni Balalong.
Ligtas na sana si Balalong dahil nailabas pa niya ang kanyang asawa, si Romana, 64 ngunit bumalik pa ito sa nasusunog na bahay upang subukan maglabas pa ng mga kagamitan at ibang mahahalagang ari-arian.
Hindi na muli nakalabas sa bahay ang biktima.
Nagtamo ng mga first degree burns si Romana at kasalukuyang naka-confine sa isang ospital.
Natupok ang bahay ng mga biktima dahil ito ay malayo sa sentro ng Itogon kung saan nakahimpil ang mga firetruck. Nahuli umano ang mga bumbero at hindi na nakaya ng mga ito na apulahin ang apoy.