top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Pinakamatandang Holocaust survivor pumanaw sa edad na 113

2/28/25, 7:29 AM

Pumanaw na sa edad na 113 taon si Rose Girone na nakilala bilang pinakamatandang Holocaust survivor.



Nalagpasan ni Girone ng walong dekada ang World War II kung saan niya naligtasan ang genocide laban sa mga Hudyo na taga-Europa. Sa pagtantiya ng mga historian, umabot sa anim na milyong Jews ang nalipol ng mga German Nazi’s, kasama ang mga kaanak ni Girone.



Bukod sa mga brutal na German Nazi’s natakasan din ni Girone ang pagmamalupit ng mga Hapones noong WW II.



Ang pagyao ni Girone ay kinumpirma ng kanyang anak na si Reha Bennicasa na kasama niyang Holocaust survivor.



Ayon kay Bennicasa namatay ang kanyang ina sa isang nursing home sa Bellmore, New York noong Pebrero 24.



Ipinanganak noong 1912 mula sa isang Jewish family, si Girone ay pinangalanan Rosa Raubvogel ng kanyang mga magulang. Orihinal na taga Poland ang kanyang pamilya na lumipat sa Germany nang siya ay bata pa lamang.



Noong 1937, pinakasalan niya ang German Jew na si Julius Mannheim na ipina-deport sa isang Nazi concentration camp sa Buchenwald.



May siyam na buwan siyang buntis na pasukin ang kanilang bahay ng mga sundalong Nazi upang i-deport. Pina-aaresto na rin siya noong ngunit isang sundalo ang nakiusap sa kapwa niya Nazi na huwa na siya isama sa deportation dahil sa kanyang kalagayan.



Si Reha ang sanggol sa sinapupunan ni Girone na kanyang ipinanganak noong 1938.



“I could not name her what I wanted -Hitler had a list of names prepared for Jewish children and this was the only one I liked so I named her that,” kuwento ni Girone sa USC SHOA Foundation.



Nakatakas ang mag-ina sa massacre ng mga Hudyo nang pakiusapan ng kanyang nakakulong na asawa ang isang kamag-anak upang maikuha ang mag-ina ng exit visa papunta sa Shanghai.



Nagkasamang muli ang pamilya noong 1940 at nakalabas sila ng Germany ngunit lahat ng kanilang mahahalagang ari-arian tulad ng mga alahas, pera at iba pa ay hindi ipinasama.



Ngunit sa China, humarap din sa kalupitan ng digmaan ang pamilya nang okupahan ng mga Hapon ang Shanghai.



Itinulak ng mga Hapones si Girone at kanyang pamilya sa mga “ghettos”.



Bagamat hirap, nabuhay ang pamilya sa paggagawa ng mga damit na kanilang itinitinda.



Matapos ang digmaan, tinanggap ang pamilya ni Girone sa Estados Unidos kung saan sila nakapagtayo ng isang knitting store sa Queens.



“Nothing is so b ad that something good shouldn’t come out of it,” sinabi ni Girone sa USC Shoah Foundation.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page