top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Pinoy senior citizen may pag-asang maging grandmaster sa tatlong chess tournaments sa Australia

4/8/25, 7:24 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Sa edad na 68, hindi pa rin tumitigil si Jose Efren Bagamasbad na makamit ang minimithing chess grandmaster title.

Magkakaroon ng tsansang masungkit ng beteranong chess strategist ang ikatlo at huling GM norm na kakailanganin niya sa serye ng tournament sa Australia ngayong Abril.

Isang International Master si Bagamasbad na nakakuha ng unang GM norm at automatic IM title noong ipanalo niya ang 65-over category ng Asian Senior Chess Championships noong 2022 sa Auckland, New Zealand.

Matapos ang isang taon, matagumpay na naipagtanggol niya ang Asian Seniors title sa isinagawang tournament sa Tagaytay City. Dito niya nakamit ang ikalawang GM norm.

Ang Pinoy senior citizen na taga Camarines Norte ay may pag-asang maging isa sa pinakamatandang GM sa darating na Melbourne International Open Chess Tournament na nagsimula noong Abril 7 at matatapos sa Abril 14.

Bukod dito, dalawa pang tsansa sa ikatlong GM norm ang magbibigay ng pag-asa kay Bagamasbad para sa kanyang pinapangarap na titulo. Ito ay ang 2025 O2C Doerberl Cup Chess Tournament sa Canberra sa Abril 17-21 at ang Sydney International Open 2025 sa Sydney sa Abril 23-27.

Malaking bagay ang suportang ibinibigay sa kanya ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte at Philippine Gaming Corporation chairman at CEO Alejandro Tengco.

Matatandaang si Bagamasbad ang isa sa mga kumatawan sa Quezon City team noong isagawa ang Professional Chess Association of the Philippines.

Bukod sa tatlong GM norm, kailangan din ni Bagamasbad itaaas ang kanyang ELO rating mula 1937 hanggang 2500.

Comments

Podziel się swoimi przemyśleniamiNapisz komentarz jako pierwszy.
bottom of page