top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Prediksyon ng 70-anyos na Baba Vanga ng Japan: Mega-tsunami mamiminsala sa Hulyo

4/15/25, 9:58 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Isang mega-tsunami na higit na mapinsala sa malakas na kambal na lindol at tsunami sa Japan noong 2011 ang muling magaganap sa nasabing bansa at ilan pang kapitbahay nito kasama ang Pilipinas sa darating na Hulyo 2025.

Ito ang prediksyon ng 70-anyos na dating manga artist na si Ryo Tatsuko. ang kinikilalang Baba Vanga ng Japan dahil sa mga tumpak na hula nito noong mga nakaraan taon.

Namuo ang prediksyon sa panaginip ni Ryo na ayon sa kanya ay malinaw at ma-detalye.

Dahil sa accuracy ng kanyang mga hula, nabansagan si Ryo na Baba Vanga, ang bulag na Bulgarian na kilalang mistiko at clairvoyant na nakapagbasa ng mga darating na pangyayari katulad ng mga natural catastrophes, mga pangyayaring pulitikal at iba pang kakaibang nangyari sa mundo.

Nagkatotoo ang mga prediksyon ni Baba Vanga na namatay noong 1996.

Sa kanyang pinakahuling hula, nakita ni Ryo na ang potensyal na mega-tsunami ay posibleng mangyari bandang Hulyo ngayon taon.

Ayon sa kanyang panaginip ang karagatan sa bandang katimugan ng Japan ay kumukulo. May hugis diamante ang rehiyon ng karagatan na kanyang tinutukoy at dito nakapaloob ang mga bansa ng Japan, Taiwan, Indonesia at Northern Mariana Islands.

May naniniwalang kung magkakatotoo ito, tiyan na aabutin din ang Pilipinas sapagkat nakapagitna ang bansa sa Japan at Indonesia.

Bagamat sumikat si Ryo bilang isang manga artist, higit na pumaimbilog sa madla ang kanyang pangalan sapagkat na-predict niya ang pagkamatay ni Freddie Mercury ng Queen noong 1991; ang mapinsalang lindol sa Kobe noong 1995 at ang 2011 tsunami.

Ang mga prediksyon na ito ay isinulat niya sa kanyang librong “The Future I Saw” na isang manga illustration ng kanyang mga hula.

Para sa mga siyentipiko, ang mga ganitong prediksyon ay hindi dapat paniwalaan. Ngunit nais din naman nilang mag-ingat ang mga madla dahil kahit anong oras ay maaaring mangyari ang kinatatakutang malalakas na lindol.

Comments

あなたの思いをシェアしませんか一番最初のコメントを書いてみましょう。
bottom of page