top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Pumanaw na senior citizen na 22 taon sa death row bago mapawalang sala sa murder

4/2/25, 4:57 AM

Sumakabilang buhay na si Paul House, ang Amerikanong senior citizen na nakaranas ng 20 taon sa death row bago ito napawalang sala sa pagpatay ng kapitbahay niyang babae noong 1986.

Inilaan ni House ang kanyang panahon sa pagkampanya laban sa death penalty matapos na pakawalan sa preso sa Tennessee matapos ang 22 taong pagkakakulong at pagdanas ng mental torture kasama ang mga presong nasentensiyahan din ng bitay.

Si House ay 63 anyos na nang pumanaw noong Marso 22 dahil sa kumplikasyon ng dulot ng pneumonia.

Hinatulan siya ng bitay noong 1986 sa pagpatay kay Carolyn Muncey na kanyang kapitbahay sa Union County, Tennessee.

Makailan ulit niyang inapela ang guilty verdict sa nakatataas na hukuman ngunit inayawan ito ng mga korte sa paniniwalang tama ang hatol sa kanya.

Si Judge Ronald Lee Gilman, na isa sa mga huwes ng 6th US Circuit Court of Appeals na naniniwalang wala ngang kasalanan si House ay nagbahayag ng pangamba, at nagsabi na maaaring “the wrong man may be executed.”

Umabot sa ang kaso sa US Supreme Court na nagpasya noong 2006 na tanggapin ang DNA evidence na lumabas matapos na masentensiyahan ang akusado.

Kahit na nagpasya na ang Korte Suprema, hindi pa rin pinalabas ng bilangguan si House dahil nais ng mga prosecutor na ipagpatuloy ang paglilitis base na sa bagong ebidensya.

Pinalabas ng kulungan si House noong 2008 matapos na magbayad ng piyansang US$ 100,000 ang isang anonymous donor para sa kanya.

Patuloy pa rin siyang inilagay sa House arrest matapos ang kanyang paglaya sa piitan at noong Mayo, 2009 nagpasya na ang mga prosecutor na tuluyan nang iurong ang kaso laban sa kanya.

Naglaan ng panahon si House para ipatigil na ang death penalty matapos ang kanyang paglaya.

Ipinahayag niya na kuntento na siya sa kanyang paglaya bagamat hindi na rin siya nakalalakad nang tuluyan na siyang mapawalang sala.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page