top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Senior citizen nalunod dahil sa kalasingan

2/17/25, 5:46 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

SAN ILDEFONSO, Bulacan. Natagpuang palutang-lutang sa patubig sa Bulacan ang bangkay ng isang 64-anyos na lalaki na hinihinalang nalunod dahil sa kalasingan.

Ang katawan ng senior citizen ay nakita nang lumutang ito sa patubig sa Barangay Calasag, San Ildefonso noong Linggo (Peb. 16)

Ayon sa mga pulis hindi nila nakitaan ng anumang ebidensya na magbibigay ng hinala na ang yumao ay biktima ng foul play.

Subalit, nagsabi naman sa San Ildefonso Police Station ang kaibigan ng biktima na posible na nahulog sa malalim na bahagi ng patubig ang biktima dahil sa sobrang kalasingan noong Sabado.

Sinabi ng testigo na umuwi ang biktima sakay ng kanyang tricycle bagamat marami na itong nainom.

Sa panayam kay Police Lt. Col. Librado Manarang Jr., helpe ng San Ildefonso Police Station, mayroon din nakakita na natutulog sa tricycle niya ang biktima.

Ipinaliwanag ni Manarang na wala nakitang “sign of struggle” sa pinangyarihan ng insidente. Dahil dito hindi na ipapa-awtopsiya ang bangkay.

“Maaaring sa kalagitnaan ng pagtulog ay nagising ito at lumabas ng tricycle para umihi. Baka pag-hakbang niya ay nahulog siya sa patubig at hindi na nakayanan pang tumayo dahil sa kalasingan, “ ayon naman sa nag-iimbestigat ng insidente.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page