top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Naga City mayor pinagbibitiw dahil sa ‘mishandling’ ng disaster response sa lungsod

11/15/24, 4:51 AM

Ni Tracy Cabrera

NAGA CITY, Camarines Sur — Umabot sa mahigit 44,000 kabahayan sa lungsod ng Naga ang nasira sa gitna ng malakas na ulan at bugso ng bagyong Kristine at ito ang nagbunsod sa mga residente rito na ireklamo ang kawalan ng sapat na tugon mula sa pamahalaang lungsod upang maibsan ang hirap na kanilang dinanas sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyo.

Mahigit 3,000 bahay ang nawasak habang tinangay naman ang iba ng rumaragasang baha na nagpalubog sa malaking bahagi ng Naga City. Marami sa mga pamilya naapektuhan ang nawalan ng mga personal na kagamitan, tulad ng mga damit at kasangkapan sa kusina at pagluluto.

Sanhi nito, nahaharap si Naga City mayor Nelson Legacion ng matinding pagbatikos mula sa kanyang mga nasasakupan na pinangunahan ng 15 punong barangay na inakusahan ang alkalde ng ‘mishandling’ ng pondo para sa disaster response.

Kinilala ang 15 barangay captain na sina Ferdinand De Hitta ng Balatas, Jacky Villafuerte ng Penafrancia, Ronald Luntok ng Liboton, Julius Cezar Sanchez ng Dayandang, Felix Matias Largo ng Sta. Cruz, Veronica Panganiban ng San Isidro, Josephine Camba ng Bagumbayan Sur, Raquel Tutanes ng Bagumbayan Norte, Rodrigo Agravante ng Kararayan, Francis Mendoza ng Concepcion Pequeña, Arthur Matos ng Mabolo, Efren Nepomuceno ng San Francisco, Maria Cristina Intia ng Dinaga, Jose Penas ng Del Rosario at Domingo Ramos ng Panicuason.

Sa kanilang liham kay Mayor Legacion, hiniling nila na mas makakabuti para sa mamamayan at publiko na magbitiw siya upang maisaayos ang pangangasiwa ng lungsod.

Tumugon naman dito si Legacion at ikinatuwiran na gnawa ng kanyang disaster response team ang lahat ng makakaya nito upang matulungan ang mga apektado ng bagyo sa Naga City habang nilinaw din niya na ang ipinamahaging mga food pack sa ikatlong distrito ng Camarines Sur ay nagmula sa fAko Bicol party-list na nakalaan para sa mga residenteng binaha sa mga barngay ng Milaor, Camaligan, Canaman at Magarao.

Nagmistulang mga ilog ang mga kalsada sa Naga City sa kasagsagan ng bagyong Kristine. (Larawan mula sa GMA Network)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page