top of page
Sexagenarian na stroke victim nalunod sa creek sa Quezon
11/9/24, 8:12 AM
Namatay matapos na malunod ang isang 69-anyos na lolo sa isang creek sa Lopez, Quezon nitong Biyernes (Nobyembre 8).
Kinilala ang biktima na si Revilla E. Alba Jr. isang stroke patient.
Nakita ang bangkay ni Alba na nakadapa sa isang creek malapit sa kanilang bahay sa Barangay Del Pilar bandang umaga. Ang kanyang kapatid na si Crisostomo ang nakadiskubre ng katawan ng biktima.
Pinaniniwalaan ng mga pulisya na si Revilla ay nadulas at nalaglag sa creek habang pauwi na sa kanyang bahay.
IIka-ikang maglakad si Revilla matapos na atakihin ng stroke ilang buwan na ang nakararaan.
Ayon sa mga imbestigador wala silang nakitang ebidensya na maaring sinadya ang pagkalunod ng sexagenarian.
pinterest.com
Comments
Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page