top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

IS IT THE TRUTH?

Globe subscribers inaatake ng mapanganib na phishing scammers: Alamin ang modus operandi ng sindikato

12/5/24, 3:47 AM

Pinag-iingat ang publiko ng Cybercrime Investigating and Coordinating Center (CICC) at Globe Telecom Inc. laban sa bagong phishing scam na gumagamit ng opisyal na Globe SMS thread upang nakawin ang personal at pinansyal na impormasyon ng mga mabibiktima.

Ipinahayag ni CICC Executive Director Alexander Kr. Ramos na ang scam ay isinasagawa ng mga manloloko sa pamamagitan ng pagpapadala ng SMS o text messages sa pamamagitan ng opisyal ng thread na mismong binuksan ng Globe para sa mga kliyente nito.

Sa mensahe sa text, binabatuhan ng mga scammers ng impormasyon ang mga Globe subscribers na ang kanilang reward points ay malapit nang mag-expire.

Binibilinan ang mga tina-target na biktima na dapat i-click nila ang isang link upang maipagpalit ang reward sa mga mahahalagang at mamahaling mga items.

Sa nasabing link kinukuha ng sindikato ang mga mahahalagang personal o financial information ng bibiktimahin.

“This new scheme is dangerous and alarming since perpetrators appear to have bypassed a National Telecommunications Commission memorandum on blocking clickable URLs in SMS,” ayon kay Ramos.

Dagdag ng CICC official: “This underscores the need for further collaborative efforts to combat SMS-based phishing.”

Napag-alaman sa imbestigasyon ng CICC na ang domain na ginamit para sa illegal na phishing campaign ay ginawa noong Nobyembre 27 at ang lokasyon ng Internet Protocol (IP) ay sa Bucharest, Romania.

Agad naman kumilos ang Globe upang balaan ang mga subscribers nila laban sa nasabing phishing.

Ayon sa impormasyon ng telecommunications firm sinisimulan ang pagnakaw ng impormasyon sa pamamagitan ng SMS na nagbababala sa subscribers na dapat nang tubusin ng mga ito ang kanilang Globe Rewards sa “Point Expiration Reminder.”

Ang pekeng Globe site na ito ay nagbibigay ng “Globe Menu” kung saan nakalista ang mga items na puwedeng bilhin sa pamamagitan ng points.

Ang ganitong pang-aakit ay ginagamit ng mga scammers upang magsabi ang bibiktimahin ng mga impormasyon tungkol sa kanyang pagkatao at pinansyal na data.

Matapos na makapamili ng reward, ang user ay dinadala sa Shipping Address Form kung saan nila isusulat ang mga impormasyon tungkol sa kanila.

Ang susunod na hakbang ang ay pagbabayad sa “Online Payment page” kung saan kinakailangan ilagay ng biktima ang mga detalye ng credit card.

Ayon sa CIC ang pinakalayunin ng phishing syndicate ay manakaw ang pagkakakilanlan ng biktima upang simutin ang kanyang pera sa bangko o gamitin ang kanyang credit cards sa pangungutang na hindi niya ginagawa.

Photo from omy.sg

Comments

Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page