top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

67-anyos pinapatay ng anak sa India dahil sa away sa ari-arian

Photo from Miami Herald

2/17/25, 3:38 AM

Dahil sa alitan sa ari-arian, isang 67-anyos na lalaki ang ipinapatay umano ng kanyang anak sa tulong ng dati nilang kasambahay.

Ayon sa ulat ng Times of India, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Ramesh Bharadwaj na nakasiksik sa isang sako at itinapon sa isang kanal sa Delhi sa India.

Nawala si Ramesh noong Enero 28 matapos umalis ng bahay gamit ang kanyang motorsiklo.

Nang hindi siya makauwi, kinabukasan ay nagsuplong sa pulis ang kanyang anak na babae.

Sa pagsusuri ng CCTV footage at pagsisiyasat sa mga testigo, natunton ng mga awtoridad ang huling kinaroroonan ni Ramesh sa inuupahang tirahan ng kanyang dating kasambahay na si Jitender, 47.

Nagduda ang mga pulis nang mawala rin si Jitender at ang 19-anyos na anak nito na si Vishal.

Natunton ang cellphone ni Vishal, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Sa imbestigasyon, inamin ni Vishal na pinatay nila ng kanyang amang si Jitinder ang biktima, na ipinag-utos daw ni Love, anak nito.

Sinabi ni Vishal na galit si Love, 35, sa kanyang ama dahil sa umano’y pagtatangi nito sa kanyang mga anak na babae.

Pinalayas din umano ni Ramesh si Love sa pamamahay nito.

Naaresto na ng pulisya sina Love at Vishal, pero hindi pa rin nahahanap si Jitender.

Nahaharap sila sa kasong murder at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon. #

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page