top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png

SENIOR CARE

71-anyos nakipagtagisan sa Miss Texas USA

7/4/24, 10:31 AM

Isang 71-taong-gulang na babae ang gumawa ng kasaysayan bilang pinakamatandang kalahok sa Miss Texas USA pageant.

Hindi man naiuwi ni Marissa Teijo ang korona, ipinagmalaki naman niya na kayang makipagsabayan ng senior citizens sa mga mas batang kandidata.

"I hope that people will look at us as older women as still being beautiful in our own way," ani Teijo sa ulat ng ABC News. "Beauty is not just on the outside but it's on the inside also."

"Young women have dreams but older people have dreams also," dagdag niya.

Napanalunan ni Miss Dallas Aarieanna Ware ang titulo sa isinagawang coronation sa Houston kamakailan. Siya ang kakatawan sa Texas sa darating na kompetisyon ng Miss USA.

Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Teijo na umaasa siyang ang pagsali niya sa Miss Texas USA ay makahihikayat ng mga kababaihan na palakasin ang kanilang pisikal at mental na pangangatawan, anuman ang kanilang edad.

"Overall, I believe my goal in entering the pageant was achieved, and I can truly say it was an amazing fairytale experience, one that I never ever dreamed I would be experiencing. I would like to also add that fitness, especially weightlifting, and being strong are the ultimate goals," sabi niya.

"Looking beautiful is secondary because fitness and healthy living are the best defenses against aging," anang Teijo.

Sa umiiral na patakaran ng Miss Universe organization, maaari nang sumali ang mga kalahok na lampas sa edad na 18.

Pinapayagan na rin ang mga babaeng kasal, diborsyada, o buntis na sumali. vnnnnnnnnnnnnnnv

bottom of page