

BALITANG SENIOR
Mga senior citizen suportado ng pamahalaang Parañaque
.jpg)
Si Cong. Edwin Olivarez habang binabati ang mga miyembro ng ASCA sa kanila general assembly nitong nakaraang araw. (Larawan mula sa Abraham Senior Citizen Association)
3/27/25, 11:35 AM
SUCAT, Lungsod ng Parañaque — Sa pagagawa ng kanilang general assembly, magiliw na sinalubong ng mga miyembro at opisyal Abraham Senior Citizen Association (ASCA) ang Team Bagong Parañaque sa pangunguna ng kinatawan ng lungsod sa Mababang Kapulungan na si Congressman Edwin Olivarez at kapatid niyang si city mayor Eric Olivarez sa pagdalo ng nasabing mga opisyal sa pagtitipon ng asosasyon sa Parañaque Sports Complex sa may Sucat.
Hindi magkandamaliw ang mga senior citizen sa pagbati at pagpapahalaga ng kanilang pasasalamat sa kongresista at alkalde sa taus-pusong pag-aaruga na ibinibigay ng magkapatid hindi lamang sa mga nakatatanda sa Parañaque kundi maging sa iba pang sektor, kabilang na ang mga kabataan, single parent, person-with-disability (PWD) at iba pang nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.
Simula ng kanilang panunungkulan, nakapagpatupad na ang dalawang opisyal ng mga makabuluhang programa at proyekto na sadyang nakatuon sa Pagpapaangat at pagsasaayos ng pamumuhay ng mamamayan at residente ng Parañaque.
"Ito ang sinumpaan naming tungkulin na magkapatid, ang maglingkod ng tapat sa ating mga nasasakupan. Kung tatalikuran namin ito, hindi kami nababagay bilang mga public servant kaya ng ngayon ay pinagkajatiwalaan kami dahil tapat kaming magsilbi sa ating mga kababayan," pahayag ni Rep. Olivarez.
Para naman sa kapatid niyang si Mayor Olivarez, wala nang bagay ba nagpapaligata sa kanya kundi malamang marami siyang batutukungang pamilya sa mga programa't inisyatibo na kanyang isinasagawa dahil naniniwala siyang mas mainam ang magbigay kaysa tumanggap.
"Ang mahalaga po sa akin ay makatulong at makapagpasaya sa kapwa dahil naibigay natin ang kanilang mga pangangailangan. Kaya nga ipinapangako nating ipagpapatuloy ang ating mga scholarship program at iba pang adhikain na may kinalaman sa poverty alleviation, healthcare, livelihood at maging ang pagsuporta sa pagnenegosyo, maliit man o malaki," idiniin ng alkalde.
Tinugon naman ng mga Parañaqueño ang pahayag ng magkapatid ng masigabong palakpakan upang ipahayag ang kanilang matibay na pagsuporta sa kanilang kinatawan sa Kamara de Representante at ang Ama ng Parañaque.
Ayon nga sa post sa social media ng isa sa mga dumalo sa general assembly ng ASCA: "Iyan ang Mayor ng bayan Congressman Edwin L. Olivarez maraming ginawa s pagunlad ng lungsod ng Paranaque n dati ay baon s utang ngayon ay may billion Ng pondo kaya kayang kaya magbigay ng mga benepisyo s senior pwd single mom at mga studyante s elementary Hanggang k12 may allowance saan p tayo Dito n sa maraming ginawa mga I frastracture n skuela s highschool at college pati na daycare center building 💚💚💚."