top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Senior citizen nasolo ang ₱100-M jackpot sa Lotto 6/42, 2 pa mag-uuwi ng tig-₱24k

3/20/25, 11:45 AM

Ni Tracy Cabrera

SUN PLAZA, Mandaluyong City — Nasolo ng masuwerteng senior citizen ang jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola kagabi sa punong tanggapan ng Philippines Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City.

Inihayag ni PCSO general manager Melquiades 'Mel' Robles na nahulaan ng nagwagi ang winning combination na 19-02-21-13-16-22 na may premyong ₱100,890,109.20

Nabili ng senior citizen ang masuwerteng tiket sa isang outlet sa Lucky Circle Corporation sa SM North EDSA. Kasabay nito, 85 namang indibiduwal, kabilang ang dalawa pang senior citizen ang makakapag-uwi ng tig-₱24,000 makaraang makuha nila ang limang kombinasyon.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Sabado. Upang makubra ang panalo, kinakailangan lamang ng lucky bettor na magtungo sa PCSO head office at doo'y iprisinta ang lucky guy bucket kasama ang balidong identification card.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page