top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

BALITANG SENIOR

Senior citizen sinaksak ng kapitbahay dahil sa videoke

2/20/25, 9:18 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Dahil sa palakasan ng pagpapatugtog ng videoke, isang senior citizren ang napunta sa binggit ng kamatayan matapos na saksakin ng kaniyang kapitbahay sa Rodriguez, Rizal.

Hindi na pinangalalanan ng pulisya ang nag-away na magkapitbahay ngunit napag-alaman nila na inggitan sa videoke ang sanhi ng karahasan.

Ayon kay Police Lt. Col. Paul Sabulao matagal nang may hidawaan ang dalawa na nakatira sa magkatabing bahay sa bayan ng Rodriguez (dating Montalban).

“Talagang matagal nang nag-aaway ang magkabitbhay pero pareho silang lasing noong magbangayan,” sinabi ni Sabulao.

Ayon sa kanya ikinuwento ng mga testigo na parehong nagpapatugtog ng malakas na videoke ang dalawa nang magkonprontahan.

Ang videoke, ayon kay Sabulao, ang pinag-ugatan ng pagtatalo ng dalawa.

Nahulihan ng apat na patalim ang suspek at isa sa mga ito ang ginamit niya sa pag-atake sa kapitbahay na isang senior citizen.

“Siya po ang unang sumugod sa bahay ko at pinagsisisgawan ako. Marami pong nakakita na siya ang unang sumaksak sa akin, at self-defense lamang ang ginawa ko,” paliwanag ng salarin.

Ipaghaharap siya ng kasong frustrated murder, ayon sa mga imbestigador.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page