top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Mobile health services ng Tagbilaran City click sa mga senior citizens

Photo from theboholtimes.com

2/10/25, 11:14 AM

TAGBILARAN CITY, Bohol - Upang masiguro na magiging mabilis at mararating ng serbisyo pangkalusugan ang mga nakatatandang Boholano, sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Tabilaran ang mobile health services na itatalaga sa mga barangay.



Ang siyudad na pinangungunahan ni Mayor Jane Yap ay naglaan ng pondo at sapat na health personnel upang ilapit sa mga senior citizens ang mga serbisyong mangangalaga ng kanilang kalusugan.



Kasama ng mobile health services ang libreng medical consultation, basic healtha ssessment at preventive care na babagay sa mga matatanda, ayon sa pamahalaang lungsod.



Sinumulan nang umikot sa maraming barangay ang mobile health services sa huling linggo ng Enero at patuloy nagi-iskedyul ng mga darayuhin pa.



Si Mayor Yap ang personal na nagsadya at nanguna sa serbisyong pangkalusugan.



Ayon kay Yap ang proyekto ay isang pagpapatunay kung gaano nila pinahahalagahan ang kapakanan ng mga senior citizens.



“We understand the unique challenges our elderly face in accessing health care. By bringing these services directly to them, we’re not only addressing these challenges but also reinforcing our commitment to their welfare,” paliwanag ng alkalde.



Lubos ang pasasalamat ng mga seniors higit ang mga halos ngayon lamang nakaranas ng ganitong pangangalaga at pagpapahalaga mula sa pamahalaang lokal.



Siniguro ni Yap na ang pamahalaang lungsod ay magpapatuloy sa ganitong mga gawain.



Pinuri niya ang Tagbilaran City Primary Care FAcility sa pangunguna ni Health Officer Dr. Jeia Pondoc sa kanilang sipat at dedikasyon sa pagtulong sa mga Boholano.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page