ENTERTAINMENT / SPORTS
'It's Showtime' eere pa rin sa GMA sa 2025
Photo from www.gmanetwork.com
12/20/24, 12:18 PM
Patuloy pa ring eere sa Kapuso network ang Kapamilya noontime show na "It's Showtime" matapos mag-renew ng kontrata ang GMA at ABS-CBN.
"'It’s Showtime' will continue to air in GMA in 2025! Maligayang Pasko, madlang Kapuso at Kapamilya,” ayon sa pahayag ng GMA na iniulat ng GMA News Online.
Dumating ang kumpirmasyon sa gitna ng mga usap-usapan sa social media na hindi mare-renew ang kontrata dahil umano sa utang ng "It's Showtime" sa GMA, na pinabulaanan din ng dalawang panig.
Nagsimulang umere ang "It's Showtime" sa GTV noong Hulyo 2023 at lumipat sa pangunahing free TV channel ng GMA nitong Abril.
Ilan sa mga Kapuso stars tulad nina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, at David Licauco ang nag-guest na rin sa programa.
Pansamantalang umere ang "It's Showtime" sa TV5 mula 2022 hanggang 2023.
Pinalitan din ito ng "Eat Bulaga" ng TVJ sa naturang timeslot.