top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

 

Lumayo sa drug war EJK sa Mindanao, Sofronio Vasquez favorite sa The Voice-USA finals

Photo from www.pep.ph

12/10/24, 5:21 AM

Nakapasok sa prestihiyosong The Voice -USA si Sofronio Vasquez, Isang Filipino na tumakas mula sa Ozamis City, Misamis Occidental matapos na patayin ang apat na malalapit na kamaganak sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Gaganapin ngayon Disyembre 10 at 11 (oras sa PH) ang finals showdown kung saan paboritong manalo si Sofronio.

Hindi lamang mga Filipino ang hayagang sumusuporta kay Vasquez na nakakuha ng pambihirang four chair turns mula sa mga kilalang hurado ng pinakasikat na singing contest sa buong mundo.

Dahil sa mala-Grammy niyang performances, patuloy na sumisikat si Sofronio sa iba’t-ibang sulok ng mundo.

Galing sa mahirap na pamilya sa Ozamis City, naigapang naman ng pamilya na mapag-tapos si Vasquez bilang dentista.

“I grew up with virtually nothing, including no bed or indoor plumbing,” paliwanag ng Pinoy singing wonder.

Kasama ang ina, lumayo sa Mindanao si Sofronio noong kasagsagan ng drug war dahil sa pagkakapaslang ng apat na kamaganak ng kanyang ina.

Sa Maynila, nakipagsapalaran si Sofronio bilang dentista ngunit pinahalagahan din niya ang inspirasyon ng ama para kumanta. Ang kanyang namapayang ama ang nagturo sa kanya sa pag-awit.

Sumali si Vasquez sa iba’t-ibang banda at lumaban din sa mga paligsahan ng talento na tulad ng Tawag ng Tanghalan kung saan naging third place siya sa national finals.

Matapos ang ilang taon, sinubok ni Sofronio ang America. Nakakuha siya ng trabaho bilang dental assistant sa Utica, New York.

Sa gabi, nagsa-sideline bilang band singer si Sofronio para sa mga lugar na pinamamalagian ng mga kababayang Filipino.

Noong naisipan niyang sumubok muli sa kumpetisyon, pinasok ni Vasquez ang Season 26 ng The Voice.

Sa blind audition kung saan niya kinanta ang “I’m Goin” Down” ni Mary J. Blige, pinindot ng lahat ng hurado - sina Michael Buble, Gwen Stefani, Reba McEntire at Snoop Dogg - ang kani-kanilang buzzer ng agaran dahil sa laki ng paghanga sa boses ni Sofronio.

Pinili ni Vasquez bilang coach si Michael Buble na matagal na niyang hinahangaan.

“Singing in front of him is kind of intimidating, but in a good way… We feel connected,” paliwanag ni Sofronio sa pagpili kay Buble.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page