top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

 

Neri Naig walang sala sa syndicaed estafa case - Pasay Court

Photo from iloilo.bomboradyo.com

3/4/25, 6:42 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Binasura ng isang Pasay City judge ang kasong syndicated estafa isinampa laban kay actress at businesswoman Neri Naig, asawa ng Parokya ni Edgar lead Chito Miranda.

Matapos na makulong dahil sa mga kasong kriminal, nabawasan ng tinik sa dibdib si Neri dahil sa pagwalang saysay sa reklamo inihain sa kanya.

Ayon kay abogado Aureli Sinsuat na nagtanggol sa dating aktres, malinaw na walang katotohanan ang paratang sa kanyang kliyente na iniugnay sa Demarcare case.

“Pinasasalamatan namin ang mga korte dahil sa kanilang desisyon na hindi nagkasala si Neri Miranda,” sabi ni Sinsuat.

Sa reklamo ng mga investors sa skincare clinic, inakusahan si Naig na siyang nag-engganyo sa kanila upang mag-invest sa Dermacare. Ang ginawa umano ni Naig ay labag sa batas dahil hindi rehistrado ang kumpanya sa Securities and Exchange Commission.

Ipinaliwanag ni Naig na siya ay isa lamang endorser at walang kinalaman sa pagpapatakbo ng kumpanyang umanoy nag-scam sa mga investors.

“Endorser lang siya tapos ginamit ;yung face niya to get investors. Kinasuhan sya ng mga nabiktima,” paliwanag ni Chito Miranda sa nangyari sa kanyang kabiyak.

“Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila ay kay Chanda, ang may-ari ng Dermacare,” dagdag pa ng frontman ng sikat na bandang Parokya ni Edgard.

Ayon sa SEC ang Dermacare-Beyond Skin Care Solutions ay pinamumunuan ni Chanda Atienza at ang company and finance manager ay si Venus Eunice Gonda.

Ang dalawa ang pangunahing nagbibigay ng garantiya na may kapalit nag 12.65 percent interest kada tatlong buwan ang kanilang kikitain sa kanilang mga investment. Bukod dito makakatanggap din ang mga investors ng libreng serbisyo sa skin care clinic.

Ngunit idiniin ng SEC na hindi awtorisado ang kumpanya upang mag-offer ng inveestments sa publiko dahil wala umano itong prior registration o lisensya upang gawin ang ganitong negosyo

Comments

مشاركة أفكارككن أول من يعلِّق.
bottom of page