top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

 

Pagsasama ng mag-asawang record holder ng “world’s longest kiss” naputol na

3/18/25, 10:39 AM

Ni Samantha Faith Flores

Sila man ang record holder ng “world’s longest kiss” naputol naman ang tagal ng pagsasama ng mag-asawang Thai na nagdeklara ng paghihiwalay kamakailan lamang.



Ito ang napag-alaman sa ilang inernational news outlet matapos na kumpirhamin ni Ekkachai Tiranarat na hindi na sila magkasama ni Laksana Tiranarat bilang mag-asawa.

Napagtanto ni Ekkachai na wala ngang forever kahit pa sila ay umani ng paghanga sa buong mundo matapos na maitala ang kanilang mahabang pagkakalikan sa Guinness World Records.

Noong 2013, nagdikitan sa halik ang mga labi ng mag-asawa at naorasan ang kanilang halikan ng 58 oras, 36 minuto at 58 segundo bago naghiwalay.



Taong 2011 nang una nilang masungkit ang record sa tagal na 46 oras at 24 minuto.



Marami ang nalungkot sa ibinalita ni Ekkachai na paghihiwalay nilang mag-asawa na nangyari ilang taon makaraan itigil ng Guinness ang longest kiss contest.



Hindi na ipinagpatuloy pa ng Guinness ang timpalak dahil sa umanoy hindi magandang epekto ng matagal na paghahalikan ng dalawang tao.



Walang binanggit si Ekkachai na dahilan ng paghihiwalayan ni Laksana bagamat idiniin nito na patuloy nilang nirerespeto ang isa’t-isa.

Comments

Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page