top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

 

Pinoy pride Sofronio Vazquez unang Asyano na kampeon ng The Voice US

12/11/24, 11:25 AM

Ni Annietha Fae Mar

Katulad ng inaasahan ng maraming music experts gumuhit ng kasaysayan si Sofronio Vasquez ng Misamis Occidental nang itanghal siyang kauna-unahang Filipino na nagwagi sa sikat na “The Voice USA”.

Lumaki at nag-aral bilang dentista sa Pilipinas, ang 32 anyos na si Vasquez ay tubong Ozams City na lumisan sa lugar nang maging biktima ang apat na kaanak ng ina ng extra judicial killings (EJK) noong drug war era sa ilalim ng pamamahala ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod sa pagiging kauna-unahang Filipino na manalo sa The Voice USA, siya rin ang unang Asyano na nakasungkit ng titulo dito.

Sa Season 26 finals ng isa sa nangungunang talent search contest sa mundo, kinanta ni Vasquez ang “Unstoppable” ni Sia at “A Million Dreams” na hango sa musicale na “The Greatest Showman”.

Nagkatotoo ang mga prediksyon ng mga mahuhusay sa music industry at mga audience na magwawagi si Sofronio na nakakuha ng pambihirang four-chair turns mula sa apat na hurado noong “blind audition” ng programa.

Pinili niya ang pamosong balladeer na si Michael Buble bilang coach. Si Buble ang isa sa pangunahing tagahanga ni Sofronio.

Sa kanyang talambuhay, binigyan kredito ni Sofronio ang ama na nagbigay ng inspirasyon sa kanya upang pasukin ang music industry. Namatay na ang kanyang ama na kanyang kauna-unahang coach.

Dahil sa pagkamatay ng ama, napilitan si Sofronio na huminto sa kanyang kursong dentistry at pasukin ang professional singing.

Marami na sinalihang singing contest si Vasquez ngunit ang una niyang break ay nang maitanghal siyang third runner-up sa Tawag ng Tanghalan.

Nakipagsalaparan siya sa Utica, New York at nagtrabaho bilang dental assistant habang patuloy na kinikinis ang kanyang talento sa pagkanta.

Sa pagwagi niya ng titulo sa Season 26 ng The Voice, nabigyan si Sofronio ng $100,000 cash prize at recording deal.

Malaki ang pasasalamat ni Sofronio kay Buble na matagal na niyang hinahangaan.

“Your mentorship is a blessing to me, my family and to all the dreamers out there. You have opened up so many doors,” pahayag ni Vasquez kay Buble matapos manalo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page