ENTERTAINMENT / SPORTS
Trevor Magallanes kinumpirmang hiwalay na sila ni Rufa Mae Quinto
12/14/24, 9:32 AM
Matapos ang walong taong pagsasama, kinumpirma ng asawa ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes na ongoing na ang proseso ng kanilang diborsyo.
Sa isang Instagram story nitong Biyernes, sinabi ni Trevor na gusto niyang linawin ang namamagitan sa kanila ng dati niyang asawa.
"I want to make myself clear that Rufa Mae and I are in the process of a divorce," pahayag nito. Si Trevor ay isang Filipino-American financial analyst.
"You may be aware divorce can be very devastating to the children and also the parents. That being said, my marriage has been a shit show and I am sorry for that," dagdag niya pa.
Ani Trevor, higit na mahalaga sa kanya ngayon ang matapos ang diborsyo at maglaan ng oras sa kanilang anak na si Athena.
Ilang araw bago inilabas ni Magallanes ang kanyang pahayag, kumalat ang ilang screenshot ng umano'y mga pag-uusap nila ni Rufa Mae.
Sa mainit na palitan ng mensahe, nagdedebate ang dalawa tungkol sa kanilang kasunduan sa pangangalaga sa kanilang anak.
Na-engage sina Quinto at Magallanes noong Pebrero 2016 at nagpakasal noong Nobyembre ng parehong taon.