top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

PCO chief Chavez umayaw sa Malacañang; batikang broadcast journalist Jay Ruiz ang kahalili

2/20/25, 9:03 AM

Ni Samantha Faith Flores

Itatalaga ang batikang broadcast journalist na si Jay Ruiz bilang susunod na hepe ng Presidential Communications Office (PCO), ayon kay resigned PCO Secretary Cesar Chavez.

Dating senior reporter ng ABS-CBN television, si Ruiz ay magiging ika-apat na tagapamahala ng media at communications affairs ng Palasyo simula nang maupo bilang pangulo si Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kalagitnaan ng 2022.

Katulad nina Chavez at Cheloy Garafil na ngayon ay pinuno ng Manila Economic and Cultural Office, si Ruiz ay may ranggong Cabinet secretary.

Si Atty. Trixie Cruz-Angeles ang kauna-unahang appointee ni Marcos para maging pinuno ng communications department bilang press secretary. Apat na buwan lamang siya naupo habang si Chavez naman ay eksaktong limang buwan naglingkod sa nasabing puwesto.

“I spoke to Jay Ruiz already. I informed him that I will introduce him to the PCO Mancom on Monday, Feb. 24, so he can begin a week-long transition so that by March 1, it’s already a plug-and-play for him as the new PCO Sec,” sinabi ni Chavez sa isang pahayag.

Tumiwalag si Chavez sa Marcos Cabinet noong Pebrero 5, 2025, eksaktong limang buwan simula nang siya ay ma-appoint sa posisyon.

“To use a broadcast parlance, I will be signing off as Acting Secretary of the Presidcential Communications Office on February 28, 2025 or anytime earlier when my replacement is appointed,” sinabi ng dating komentarista ng radyo DZRH.

Inamin niya na hindi niya napunuan ang inaasahang trabaho mula sa kanya.

“Although there is much for which I am greateful and a long list of people to thank, I leave with only one regret: in my estimation, I ahve fallen short of what was expected of me,” paliwanag niyal,

Dagdag niya: “ It is to this fidelity to the truth- the bedrock belief to which I have anchored myself as a former broadcast journalist - that I must tell the unvarnished truth about my resignation.”

Photo from dzrh.com.ph

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page