top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LATEST NEWS

Pilipinas mas masaya sa South Korea, China atbp; ika-57 sa 2025 World’s Happiest Countries

3/20/25, 12:43 PM

Ni Samantha Faith Flores

Higit na masaya manirahan sa Pilipinas kumpara sa mga mas mayayaman na kapitbahay nito na South Korea, Malaysia, China, Indonesia at Hong Kong, ayon sa The World Happiness Report.

Ngunit ayon sa ulat ng WHR na inilabas nitong Marso 20, may 57 pang bansa kung saan higit na masaya ang mga mamamayan kumpara sa Pilipinas.

Sa ranking na ginawa ng WHR, pasok sa ika-58 na puwesto ang bansa sa pag-ranggo ng pinakamasayang bansa.

Nanatiling happiest country ang Finland na walong sunod-sunod na taon nang nasungkit ang karangalan na itinatanghal sa pagdiriwang ng United Nations International Day of Happiness.

Sa ika-13 edisyon ng taunang report na iipinalabas nitong Marso 20, pito sa nasa top 10 happiest countries in 2025 ay mga bansa mula sa Europe. Tanging ang Costa Rica (6) at Mexico (10) sa South America at ang no. 8 na Israel na higit isang taon nang nakikipagdigmaan ang hindi nakalugar sa nasabing kontinente.

Natanggap ng United States ang pinakamababa nitong puwesto sa loob ng higit na isang dekada nang pumalo lamang ito sa ika-24.

Napansin ng mga researchers na tila higit na nagiging mababait ang mga tao sa maraming bansa.

“People’s fellow citizens are better than they think they are, and to realize that will make you happier, of course, but it’ll also change the way you thingk about your neighbors,” ayon kay John Helliwell, founding editor ng World Happiness Report.

Nakabase ang ulat sa Gllup World Poll data mula sa mga mamamayan ng 147 bansa sa buong mundo.

Kasama rin sa may kontribusyon sa mga resulta ng pagaaral ay ang Oxford Wellbeing Research Centre, UN Sustainable Solutions Network at mga natalagang editor.

Sa survey, itinatanong sa respondent na i-grado ang antas ng buhay sa kani-kanilang bansa. Pagkatapos nito, ay kinokonsidera rin ng mga researchers ang GDP per capital, social support, healthy life expectancy, freedom, generosity at perception of corruption upang malaman ang pinakamasayang bansa.

Mga Nordic nations ang pinakamasasaya sa pangunguna ng Finland.

Bukod sa Finland, Denmark, Iceland, Sweden at Norway ang nakapuwesto sa top 10 happiest countries.

Sa Asya, Taiwan ang pinakamasaya, ayon sa ulat. Ang bansang pinakamalapit sa Pilipinas ay nasa ika-30 puwesto.


Ang 30 pinakamasayang bansa sa 2025

1. Finland

2. Denmark

3. Iceland

4. Sweden

5. Netherlands

6. Costa Rica

7. Norway

8. Israel

9. Luxembourg

10. Mexico

11. Australia

12. New Zealand

13. Switzerland

14. Belgium

15. Ireland

16. Lithuania

17. Austria

18. Canada

19. Slovenia

20. Czech Republic

21. United Arab Emirates

22. Germany

23. United Kingdom

24. United States

25. Belize

26. Poland

27. Taiwan

28. uruguay

29. Kosovo

30. Kuwait

Comments

Deel je gedachtenPlaats de eerste opmerking.
bottom of page