top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LATEST NEWS

VP Sara: Paglusaw ng oposisyon, motibo ni BBM sa “illegal” na pagdakip sa ama

3/20/25, 1:46 PM

Malinaw na pagwasak sa lehitimong oposisyon ang tunay na pakay ng umanong ilegal na pagdakip at pagdala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa poder ng International Criminal Court.

Ito ang iginiit ni Vice President Sara Duterte sa kanyang testimonya sa pagdinig sa Senado tungkol sa pag-aresto ng kanyang ama noong Marso 11.

Ayon sa kanya malinaw na ginamit ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ICC upang dispatsahin ang political opposition.

“We have now lost a former president. I pray that we do not lose the country next,” pahayag ng ikalawang pangulo.

“This is all about politics. The administration is using government resources, the ICC, to demolish the opposiiton. Wala na tayong argument. Mali ang ginawa,” diin niya.

Una dito, inamin ng bise na hindi na siya umaasa na makababalik pa ng bansa ang kanyang ama na 79 anyos at nakadarama ng maraming karamdaman.

Nakadetine si Pangulong Duterte sa The Hague at humaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay sa pagpaslang ng libo-libong mga pinaghihinalaang sangkot sa droga noong siya ang pangulo ng bansa.

“Hindi na siya maibabalik. Hindi na maibabalik si Pangulong Duterte sa Pilipinas,” pahayag ni VP Sara sa online press conference nitong Huwebes (Marso 20).

Dagdag niya: “Sa totoo lang wala talaga akong nararamdaman. Hindi ako galit, hindi ako disappointed. Nothing at all. Kasi pointless naman na mag-harbor ako ng feelings about hat happened.”

“So what we should do as a country is move on from what happened. What will we do as our ways forward as a country and as a people from what happened. Magalit man tayo, walang mapupuntahan ‘yung galit nating dahil hindi naman yan sila panananagutin ang pamahalaan eh,” sabi niya.


Comments

Deine Meinung teilenJetzt den ersten Kommentar verfassen.
bottom of page