top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LATEST NEWS

VP Sara nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema upang ipatigil ang impeachment hearings

2/19/25, 6:35 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Nagsampa na rin si Bise Presidente Sara Duterte ng petisyon sa Korte Suprema upang ipatigil ang pagdinig ng Senado ng impeachment complaint laban sa kanya.

Sa inihain na petisyon nitong Martes (Pebrero 18), nanawagan din si Duterte sa Mataas na Tribunal na mag-isyu ng temporary restraining order na agad magpapatigil sa Senado na aksyunan ang impeachment complaint na inaprubahan ng 240 kongresista.

Noong Martes din, nagsampa ang ilang abogado at mga indibidwal mula sa Mindanao ng kanilang petisyon sa Korte Suprema laban sa pagsasagawa ng pagdinig sa nasabing impeachment case.

Sa pangunguna nina Israelito Torreon at Martin Delgra III, nagprotesta ang mga nagpetisyon na depektibo umano at isinagawa ng may grave abuse of discretion ang pagsampa sa Senado ng impeachment complaint.

Sa hiwalay na petisyon, hiniling ni Duterte sa Korte Suprema na pigilin ang Senado sa pagdinig ng impeachment cases.

Kinuwestiyon ng pangalawang pangulo ang pagsampa ng ika-apat na impeachment complaint sapagkat ito umano ay labag sa Article XI ng 1987 Constitution na nagsasabing “No impeachment proceedings shall be initiated against the same official more than once within a period of one year.”

Ipinaliwanag ni Duterte na hindi marapat na umaksyon ang Senado sa Fourth Impeachment complaint “due to violation of the one-year bar under the aforesaid Constitutional provision.”

Bago mapagpasiyahan ng 215 kongresista na i-endorso ang Fourth Impeachment , tatlo na ang naunang naisampa ng iba’t-ibang grupo upang pababain si Duterte sa kanyang puwesto sa pamamagitan ng impeachment.

Dahil sa tatlong naunang mga kaso, hindi na puwedeng aksyunan ng Kamara ang ika-apat na kaso dahil sa nasabing ban.

Ang tatlong naunang impeachment cases ay ipinalagay na sa archive ng Mababang Kapulungan.

Photo from www.philstar.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page