top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

FAITH AND RELIGION

Cardinal Tagle nanguna sa padasal sa St. Peter’s Square para kay Pope Francis

2/26/25, 9:34 AM

Pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa St. Peter’s Square sa Vatican City ang pagdasal ng banal na rosaryo para sa pagbalik sa mabuting kalusugan ang tuluyang paggaling ni Pope Francis.

Daan-daang mga Katoliko ang dumalo sa Rosary prayers at taimtim na dumalangin na mamagitan si Sta. Maria sa Diyos upang manumbalik sa dating kalusugan ang p;inuno ng Catholic church.

Pinangunahan ni Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican, ang Rosaryo noong Miyerkules (Peb. 26).

Ang rosary prayers ay isinasagawa kada gabi at nagsimula noong Lunes dahil sa maselan ng kondisyon ng papa. Si Cardinal Pietro Parolin ang Batican Secretary of State, ang nagpasimuno ng dasal.

Nakikipaglaban si Pope Francis sa penumonia na malubhang nakaapekto sa pareho niyang baga. Bagamat patuloy siyang nasa kritikal na kondisyon, patuloy pa rin siyan nagta-trabaho mula sa ospital at dineklarang nasa “stable condition”ng kanyang mga doktor.

Ayon sa ulat ng Holy See Press Office, si Pope Francis ay nagkaroon ng panatag na tulog sa Gemelli Hospital sa Rome at patuloy na nagpapahinga habang nagpapagamot sa kanyang double pneumonia.

“The Pope had a quiet night and is resting,” sinabi sa pahayag ng tanggapan.

Noong Martes (Peb 25) ng gabi, naglabas ng health bulletin ang press office na nagsabing ang kanyang clinical condition “remains critical but stable.”

“There have been no acute respiratory episodes and hemodynamic parameters continue to be stable,” dagdag ng pahayag ng Vatican.

“In the evening he underwent a scheduled CT scan to radiologically monitor the bilateral pneumonia. The prognosis remains guarded,” ayon dito.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page